
Lovi Poe plays an incest rape victim in Familia Sagrada
![]()
"Noong una, napi-picture out ko na ang shooting, kung ano ang gagawin ko. I was having second thoughts, I won't lie [about] that. Pero sinabi naman that Direk Joel will take care of me, the things that we'll do. Tapos, mga kasama ko pang co-actors are the people that I could really trust," says Lovi Poe about her role in Familia Sagrada.
Pagkatapos ma-late si Lovi Poe ng isang beses sa shooting ng pelikulang Sagrada Familia at nakagalitan siya ng direktor nilang si Direk Joel Lamangan, ayon sa young actress-singer, maayos na raw ngayon ang lahat sa pagitan nila ng direktor. (CLICK HERE to read related story.)
Ito ang naging pahayag ni Lovi nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng Sagrada Familia sa may Kamias, Quezon City kahapon, October 6.
"Okey lang, kasi yun nga po, it wasn't meant to happen. Pero after that, everything was okay naman po. It's my first time with Direk Joel and it's more on, not takot, but it's more on knowing who is really in charge. Well, it's always like that naman."
A MORE DARING LOVI. Naging daring na rin, in a way, si Lovi sa huling indie film niya na Walang Hanggang Paalam, kung saan ginagampanan niya ang role ng isang liberated teenager. Would she say na mas grabe pa ngayon ang ginawa niya sa Familia Sagrada dahil ni-rape naman siya dito ng sarili niyang ama, na ginagampanan ni Emilio Garcia?
"This one is nothing compared," sabi niya. "This time, I'm a victim. Kawawa, scary... Grabe! Noong una, napi-picture out ko na ang shooting, kung ano ang gagawin ko. I was having second thoughts, I won't lie [about] that. Pero sinabi naman that Direk Joel will take care of me, the things that we'll do. Tapos, mga kasama ko pang co-actors are the people that I could really trust."
Mabigat daw ang bawat shooting day nila.
"Yes, kaya nga hindi ako dapat masaya. Kailangan sa araw ng shooting, pagdating mo, bad mood ka na para mas madali kang makapag-internalize," sabi ni Lovi.
Kapansin-pansin na sunud-sunod ang serious roles na ginagampanan niya ngayon sa pelikula. Bakit nga ba?
"Siguro kasi, I wanna be taken seriously. I really want to be an actress. Not just someone being seen on TV, but be called as an actress. That's one of the things that I want to fulfill," saad niya.
Noong pinanood niya ang Walang Hanggang Paalam, naikuwento niyang na-shock siya sa nagawa niya roon. This time ba sa Familia Sagrada ay na-shock din siya?
"Naku, feeling ko, baka malalaglag na 'ko sa kinauupuan ko!" natatawa niyang sabi. "Doon kasi flirty ako. Pero dito, may pinanggagalingan talaga kung bakit siya naging aggressive."
"WE'RE FRIENDS." Nang tanungin naman tungkol sa kanyang lovelife at kay Jolo Revilla, nangiti lang si Lovi sabay sabing, "We're friends."
Kapansin-pansin ang absence ni Lovi sa nakaraang birthday party ng ama ni Jolo na si Senator Bong Revilla. Tila first time ito na wala siya sa event ng pamilya Revilla?
"First time ba yun?" natatawa niyang sagot. "I think I was sick that time. I don't remember, e. May time na nagkasakit ako."
Umiiwas na ba siyang makita sa events ng mga Revilla?
"Hindi naman po. Wala naman po akong dapat iwasan. Napalapit na po ako sa pamilya nila. Close naman po ako sa kanila. So, hindi naman po kailangang iwasan. Napakabait naman po nila," sabi ni Lovi.
May nagbabawal na ba sa kanya?
"Ay, wala naman po... it just happened. At saka si Jolo, alam naman po niya na nandito lang ako para sa kanya. Alam naman niya yun. We're friends naman po. Hindi pa rin maiiwasang mag-usap kayo. Alam n'yo yung, if it's yours, it's yours."
Sa ngayon daw, ang stand niya, her doors are open to everyone.
"Basta, yun lang po ang masasabi ko. Pero after everything... Ayoko rin naman pong mag-focus sa lovelife. It's more on trabaho at pag-aaral po," paliwanag ni Lovi.

congrats hearts evangelista for winning the 57th FAMAS Awards BEST ACTRESS! tinalo pa si sharon and juday..... whew!

Full House na pud. Remake na man ni tanan ila salida uy. Di na makahimu ug original unlike sauna.
Kris Aquino says Dingdong Dantes is "heaven-sent" for Noynoy's campaign
DINGDONG AS AYOS! SPOKESPERSON. Kamakailan ay nagpatahi ulit si Kris ng walong polo for Noynoy. Nung una raw ay 16 ang ipinagawa niya para kay Noynoy, pero marami na raw ang napunit. "Dahil sa kahahatak kay Noy kapag pumupunta siya sa provinces, lalo na yung mga kababaihan," sabi ni Kris.
Speaking of kababaihan, aminado si Kris na sila ang malaking bulk ng market ng ABS-CBN. At yun din daw ang appeal ni Noynoy, plus the older male. Kaya ang pinagtutuunan nilang hanapin ngayon ay ang young male—at dito na pumapasok si Dingdong Dantes.
"Kaya heaven sent talaga ang Dingdong!" sambit ni Kris. "Thank you talaga sa kanya. Dingdong is doing projects which is parallel to Noy's advocacies. And you know, Captain Marlon Dantes in 1986 was Air Force. He's the uncle of Dingdong and was part of the EDSA revolution. Inutusan na bombahin ang EDSA, nag-defy, yes.
"Sabi niya [Dingdong]... I was three when... ay, hindi six... He was three when my Dad [Senator Ninoy Aquino] died. 'He was my idol.' Kasi growing-up stage niya, parang nasabi 'ata sa kanya na... And then, he's a marine reservist. Kaya yung scholars niya, ang ibang tinutulungan ng ano niya [foundation] is yung mga anak ng mga marines na namatay. Namatay na yung marines in the line of active service na may mga anak. Yun ang gusto niyang pag-aralin.
"And then, he kept on saying nung makausap ko siya, 'You know when I started working na and as I got older...' Di ba, he'd gone into directing? That's why he cannot understand daw na when my Dad died, nobody was able to film the assassination. Sabi ko, walang nakakakuha ng ano, walang kamera. Sabi ko, 'Dingdong, kahit na-lift na ang Martial Law, that was a one-man rule, a dictatorship, so no camera existed.' Sabi ko, 'Yun ang explanation doon.'
"And siguro, sabi ko, 'Even me, parang very dimmed ang memory ko of that time na walang press freedom, yung TV grabbing, censorship... Parang for us, now we're benefitting from this. Eto dapat ang advocacy natin, na aalagaan natin.'
"Yun ang conversation namin kanina, parang hindi raw niya maintindihan why. Because it's so easy for us, this teen age where every phone, [may] video, di ba? It's a totally different, ibang era talaga. It's ano lang, 26 years ago lang, but look na, di ba? Yun daw ang ano niya. He got into editing and filming and all, dun daw ang naisip niya talaga," tuluy-tuloy na kuwento ni Kris.
Si Dingdong ang magiging spokesperson para sa Advocates of Youth and Students for Noynoy o Ayos Na!.
Well...it proves one thing![]()
I don't watch shows sa gma and abs but mu-watch jud ko og Full House kay naa si Heart! Excited nako..Kato naa info, please let me know when ni siya mustart kay wala man ko nakita advertisement sa TV pa.. this year ni o next year pa?
Similar Threads |
|