Results 1 to 4 of 4
  1. #1
    C.I.A. rodsky's Avatar
    Join Date
    Nov 2007
    Gender
    Male
    Posts
    7,445
    Blog Entries
    128

    Default Norman Wilwayco on Reading


    Thoughts from my friend Norman "Iwa" Wilwayco. Skateboarder, Palanca Awardee, author of "Gerilya" and the weblog "Tunay na Lalake". He wrote this on Feb 2, 2011. To the readers, pasensya na ha, kasi tagalog yung blog entry, tagalog kasi si Iwa eh. Wasak na wasak



    Norman Wilwayco On Reading


    Tanong sa akin ng isang officemate: "Bakit lagi ka na lang nagbabasa? Kahit nakatambay kami sa gazebo at kasama ko ang mga ka-department, nasa isang tabi lang ako at nagbabasa ng libro. 'Tangina tol panay ka basa, hindi ka nakiki-jam sa amin."

    Tanong ko naman sa utak ko: "E bakit ikaw, ni hindi kita nakitang nagbabasa kahit kailan."

    Andaming nakikialam sa trip ng may trip. Eh sa trip kong magbasa, pakialam nyo? Ibig bang sabihin, wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa akin? Pwede, pwede ring hindi.

    Sorry tol pero kailangan kong magbasa. Maigsi lang ang buhay ng tao, sandamakmak ang libro sa mundo, paano ko mababasa lahat?

    Maraming taong hindi nagbabasa. Katwiran pa ng iba, sobra daw silang busy kaya wala nang oras magbasa ng libro. Bullshit! Ang sabihin mo, wala ka talagang hilig magbasa, puro ka na lang panonood ng Gossip Girl, tangina ka.

    Yung iba, nagbabasa lang sa biyahe, isang pahina tapos tulog na. Yung iba nagbabasa lang bago matulog. Isang sentence tulog na. Yung iba nagbabasa lang kapag tumatae. Isang paragraph tapos na.

    Ako, laging nagbabasa. Lagi akong naglalaan ng oras para dito. Kesa sirain ko ang mga mata ko sa paglalaro ng psp, o manood ng nakakabobong noon-time show, o mag-facebook maghapon, o kalikutin ang blackberry o iphone, mas gusto ko nang magbasa. Marami pa kong natututunan.

    Bata pa lang ako, hilig ko na ito. Nakatulong din siguro na wala kaming tv noong lumalaki kami. Sabi kasi ni erpat, hindi siya bibili ng tv hanggat buhay si german moreno. (At kita nyo naman, buhay pa rin siya hanggang ngayon). Kaya, hayun wala kaming tv, at lumaki sa pagbabasa ng mga pocketbooks.

    Kaya ngayon, ugali ko nang magbasa ng at least 100 pages sa isang araw. Kung hindi, sinisikap kong makapagsulat ng at least 10 pages a day (napulot ko ang ugaling ito kay amang jun cruz reyes).

    At least productive. Kaya mga tol, mga peeps, subukan niyo ring dumampot ng matinong libro at umpisahang magbasa. Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong kabobohan.

    *inumpisahan na nga palang basahin ni agent dan gaffud ang gerilya. at least ngayon hindi na lang puro grand theft auto at kung anu-ano pang shit ang pinagkakaabalahan ng mga mata niya. salamat tol!


    So...read. "Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong kabobohan."

    -RODION

  2. #2

    Default Re: Norman Wilwayco on Reading


  3. #3

    Default Re: Norman Wilwayco on Reading

    pwede ma in lab? ehhehe ayos!

  4. #4
    Elite Member dearlabe's Avatar
    Join Date
    Jul 2010
    Gender
    Female
    Posts
    1,187
    Blog Entries
    12

    Default Re: Norman Wilwayco on Reading

    Hahahaha agree! Maka bobo gyud nang noontime shows. How I wish I could read miles and miles of books. I haven't reached even a km pa gani tingali...whew!

  5.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. (this was forwarded to me...kindly read on.. thanks)
    By aphrodite in forum General Discussions
    Replies: 9
    Last Post: 02-10-2011, 11:39 AM
  2. Tarot Workshop (Card Reading) on April 5, 2008
    By silverhawk in forum Parties & Events
    Replies: 7
    Last Post: 11-14-2008, 11:06 PM
  3. dog lovers, read on!!
    By prettyaiai in forum Pet Discussions
    Replies: 11
    Last Post: 07-19-2008, 02:51 PM
  4. Replies: 0
    Last Post: 03-20-2008, 09:52 PM
  5. Replies: 18
    Last Post: 12-21-2007, 02:40 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top