Napakabuti at napakadakila ng Panginoong Diyos!

Sa Kanyang pagpapala at pag- iingat sa mga nagtatapat Niyang lingkod.

Ang biyaya Niya at katapatan na hindi Siya nagkulang sa kabila ng mga pagkakasala at pagkukulang na nagagawa natin...

Ang Diyos ay umuunawa at matuwid Siyang humatol, ang Kayang pagpapatawad at pagliligtas sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Ang pakikibaka sa pisikal at spiritual ay patuloy kahit na maraming mga pagsubok at kapaghatian na dala ng kasalanan,

At mga tukso ni satanas at ang sariling pagnanais o ang lumang pagkatao...

Nagtatawa, nangungutya, nanghuhusga at umaatake ang mga kaaway ng Diyos at ng Kristianismo.

Ito ay kasama sa mga challenges, trials at mga burden!

"Na ako'y lumalakad at binigyan ng Ama ng kapahingaan sa payapang lugar kasama ng mga kapatiran..."

Nadarama ang Kanyang pag-ibig at ang pag-asa o ang kasagutan ay nasa Kanyang Banal na Salita.

Ang plano Niya at kalooban ay magaganap at mabubuwal o babagsak ang Kanyang mga kaaway at ang kaaway ng Kanyang mga lingkod,

Sa panahon na Kanyang itinakda at ang tao ay magugulat sa Kanyang pagdating.

Purihin ka ng iyong mga likha, maghari ka nawa, maganap ang yung mga Salita at kontrolin lahat ng bagay!

Amen, Amen.