I disagree. Ito ang aking pananaw:
1. Government has the lead role. It can change the culture. It can create and implement laws. Kung kabobohan man ang dahilan nang kahirapan, yan ay kabobohan nang mga government officials.
2. Alam naman natin na hanggang sa panahon ngayon marami pa rin mga taong illiterate, yan ay dahil nagpa baya ang ating gobyerno.
3. Kung may maraming mga taong nakatira sa squatters area, yan ay dahil hindi napagbigyan nang attention sa gobyerno. May mga batas tayo, pero hindi lubos ang pagpapatupad. Minsan double standards ang gobyerno.
4. Mahirap ang ating bansa, dahil walang taimtim na programang pangkabuhayan, ang mayaman ay lalong yumayaman, ang mahirap ay lalong humihirap. Maraming hindi nagbayad nang tamang buwis, karamihan sa mga malalaking negosyante ay hindi bumabayad nang tama, dahil alam nila na makukurakot lang din.
5. Sumisikap tayo umangat ang ating buhay. Nakabili tayo nang sasakyan. Dahil dun, naging miserably ulit ang ating buhay dahil ang kikitain natin ay mapupunta na rin sa napakamahal na gasolina, napakamahal na maintenance cost. Itoy dahil sa kaawa-awang condition nang ating mga kalsada at walang control sa presyo ng langis. Nasaan ang budget natin sa pag aayos ng ating mga daan? Bakit hindi pwede ibasura ang oil deregulation law? Bakit mayron tayong E-VAT na lumalabag sa principle of taxation?
6. Sumisikap tayong kumikita araw-araw, pero ang presyo nang mga pangunahing pangangailangan ay palagi din lumulobo. Walang control ang gobyerno.
7. May mga taong pasaway, pero walang ginawa ang gobyerno. Maraming mga krimen hindi na solve nang gobyerno. Maraming katiwalian, walang action ang gobyerno.
8. Hangad nang bawat isa ang umasenso, pero ang alam nilang solution dyan ay walang iba, kung di mag iibang bansa. Parang hindi pa ring gumigising ang gobyerno tungkol dyan at an gating mga OFW ay parang binobola pa na tinatawag na “modern heroes”.
9. Alam kung napakarami pang pwede gawin sa ating gobyerno para matugonan ang kahirapan, pero parang hindi dyan ang direction natin ngayon.
10. Napakarami pang pagkukulang nang ating gobyerno, para sisihin ang ating mga mamamayan hinggil sa kahirapan. Yan ay lubos na kapabayaan at pagiging pagka iresponsable sa ating pamahalaan.