Happy Yippe Yehey Song
Tsamina mina eh eh
Happy Yipee Yehey
Tsamina mina zangalewa
Happy Yipee Yehey na!
![]()
Happy Yippe Yehey Song
Tsamina mina eh eh
Happy Yipee Yehey
Tsamina mina zangalewa
Happy Yipee Yehey na!
![]()
Some info lang, Shalani Soledad often used the word "Yehey!!" every-time mag host siya sa Willing Willie. Now dili na niya ni ma sulti kay gi title naman nila....At least si Shalani naka una ani...
If kani na show ma palpak, I'm sure mag guest na pud si Randy sa Willing Willie..LOL
Toni Gonzaga believes Eat Bulaga! will understand her decision to host Happy, Yipee, Yehey!
Maituturing na isa sa busiest Kapamilya talents ngayon si Toni Gonzaga. Bukod sa kanyang dating shows na ASAP Rocks at The Buzz, madadagdagan pa ito ng daily noontime show na Happy, Yipee, Yehey!.
Ibig sabihin, araw-araw na siyang makikita ng mga manonood sa telebisyon. Hindi ba nag-aalala si Toni na maaaring ma-overexpose na siya sa publiko?
Sa press conference na inihanda para hosts ng Happy, Yipee, Yehey! kahapon, Pebrero 8, sinabi ni Toni na hindi niya ito ikinababahala. Naniniwala rin siya na magiging maayos ang kanyang schedule sa kabila ng halos araw-araw na trabaho.
"'Yong schedule po, siyempre, may mag-aayos po no'n," sabi niya. "Regarding naman po sa overexposure, hindi pa naman po lumalabas ang noontime. So, alam ko po na magagawan ng paraan ang ibang programa kung saan kasali ako. Siyempre, hindi ko pa alam 'yon.
"Pero other than that, siyempre, ang management po ang nag-decide sa akin na mag-noontime show. So, sila rin po ang mag-aayos ng proper management ng shows ko."
Bukod sa trabaho, iniisip na lang ni Toni na ang panibagong programa ay makapagbibigay ng saya sa mga Kapamilyang Pilipino.
"INSTITUSYON NA ANG EAT BULAGA!" Nang lumabas ang balitang mapapasama si Toni sa bilang ng hosts ng Happy, Yipee, Yehey!, marami ang nag-isip agad na baka mahirapan ang programang talunin ang longest-running noontime show na Eat Bulaga!, na napapanood sa GMA-7.
Ngunit katulad ng nauna nang inihayag ni Toni, hindi naman layunin ng programa na maungusan ang tatlong dekada nang umeere na Eat Bulaga!.
Inulit pa niya, "Siyempre, ang isa pong institusyon tulad ng Eat Bulaga!, 30 years na naging bahagi ng iba't ibang generation. Ang sa amin po kasi, ang main goal ng programa namin is, hindi na po kami makikipag-compete. We're just here to give an alternative to make the people happy.
"At the end of the day, kaya kami nagsama-sama is because gusto rin naming magpasaya ng mga Kapamilya. Kasi, di ba, nawalan rin naman tayo ng noontime show?
"Ito naman po, babalik kaming lahat, sama-sama kami para sa iisang goal, at 'yan po ay mamigay ng pera, magpasaya, and in our own little way, makapag-inspire din kami ng mga Kapamilya natin araw-araw." (CLICK HERE to read related article)
Matatandaan na si Toni ay unang nakilala bilang isa sa mga co-host nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa Eat Bulaga!. Taong 2004 nang magpasya ang dating commercial model na lumipat sa ABS-CBN.
Hindi kaya magkaroon na naman ng conflict si Toni sa staff at management ng Kapuso noontime show?
Ayon kay Toni, ilang beses na siyang inalok na mag-host ng noontime show. Subalit halos anim na taon din ang kanyang hinintay bago pumayag na mag-host ng programang katapat ng Eat Bulaga!.
Kuwento ni Toni, "Noong bagong lipat, sabi ko, huwag po muna. Although doon po talaga ako comfortable [sa hosting], kasi doon ako nanggaling at doon ako nagsimula. So, I did ASAP, 'yong variety show.
"Sabi ko, respeto na lang sa dati kong show na dating kinabibilangan ko. And I waited six years. Tapos nang dumating po ang show na ito, siyempre, it's a blessing din naman siguro."
Bukod pa rito, mahirap din daw hindian ang pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang home network.
"Mahirap din naman tumanggi at sabihin na ayaw ko dahil I'm taking it as a blessing. Para pagkatiwalaan ng management ng isang ganitong programa, kasama sina Kuya John, Kuya Randy, ang hirap-hirap magsalita ng 'No.'"
CONSEQUENCES. Isa sa mga naging epekto ng pagtanggap ni Toni sa Happy, Yipee, Yehey! ay ang pagkaudlot ng pagsama niya sana pelikula ng Box-Office Comedy King na si Vic Sotto.
"Hindi na matutuloy because of this. Gano'n po talaga, maraming bagay na kung hindi para sa atin, hindi para sa atin," pagkumpirma ni Toni.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na hindi matutuloy ang pelikulang nakalinya kay Toni sa loob ng isang taon. At tila nasasanay na ang multi-media celebrity.
wa ko ganahi sa title
hope nindot ang unod aning programaha. title palang daan yabo na cla para nako..
unsa may comment ninyu sa ila pilot episode ganina?
wa may ayu para nko ui... unya dahn pjd vacant seat sa Ynares ganina.. lol
EB parin! "Jump brother, Jump brother.. jump jump jump!"
Similar Threads |
|