nice ky mo last longer ang peso bills. dili malata ditso.
mura na ug foreign currency. well done!
time to move on
nice ky mo last longer ang peso bills. dili malata ditso.
mura na ug foreign currency. well done!
time to move on
I think masabtan ra man nga tangtangon si GMA sa 200 nga paper bill.
Tutal, buhi pa man siya; ang sa ubang denominations, murag dugay naman na sila ni "pass away".
okie ra ang nawng.. full of colors, murag bahug2x na pan.![]()
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, puwede pa namang gamitin ang kasalukuyang pera natin sa loob ng 3 taon, pero simula bukas, ipapakalat na ng BSP ang bagong disenyo ng ating perang papel.
Inilunsad ng BSP sa Malacañang ang bagong disenyo ng pera, mula P20 hanggang P1,000 pesos.
Kasama rito ang bagong P500 kung saan magkasama ang mag-asawang Ninoy at Corazon Aquino.
Makasaysayan at natatangi ang perang ito dahil unang beses na itinampok ang parehong magulang ng kasalukuyang Pangulo na nakapirma sa pera.
“Last time I checked, no other bank in the world has both parents and child on the same bill. Kulang na lang po yata, kulang na lang po talaga ang bunso kong kapatid na si Kris at si Bimby,” pahayag ng Pangulo.
Nasa likod ng bagong P500 ang sikat na underground river ng Palawan at blue-naped parrot.
Nasa Palasyo ang magkakapatid na sina Ballsy, Pinky at Viel para sa paglulunsad ng bagong pera pati na rin ang ibang mga pamilya ng mga bayani at lider na nasa pera.
Isang mas batang Pangulong Manuel Quezon na ang nasa P20. Banawe Rice Terraces na ang nasa likod at hindi na ang Malacañang.
Si Sergio Osmeña sa P50. Sa likod, ang Taal Lake at isdang maliputo at hindi na ang National Museum.
Si Manuel Roxas sa P100. Sa likod, ang Mayon Volcano at butanding ng Sorsogon. Hindi na ang gusali ng Bangko Sentral.
Si Diosdado Macapagal sa P200. Sa likod ang Chocolate Hills at tarsier ng Bohol. Wala na ang eksena ng panunumpa ni dating Pangulong Arroyo noong EDSA Dos.
Ang dating First Daughter na si Luli Arroyo-Bernas at tiyuhing si Diosdado Jr. ang kumatawan kay Ginang Arroyo sa Malacañang. Kinamayan ni Luli ang Pangulo na kritiko ng ina.
“We’re here because we were invited and so don’t put any meaning into things that are not there,” ani Luli.
Nasa P1,000 pa rin sina Josefa Llanes Escoda, Jose Abad Santos at Vicente Lim. Habang nasa likod ang Tubbataha reef at ang South Sea Pearl.
Ayon sa Bangko Sentral, may bagong security features na inilagay sa pera. Mahihirapan ang mga namemeke ng pera na gayahin ito.
We decided to incorporate the latest bank security features to make it difficult and expensive for counterfeiters to copy,” ani Amado Tetangco.
Simula bukas ang uunahin ng BSP ay ang paglabas ng bagong P20 bill dahil ito ang in-demand tuwing pasko lalo na pag nagbibigay ng aginaldo. Willard Cheng, Patrol ng Pilipino
12/16/2010 11:08 PM
source: New peso bills unveiled | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features
mas choi ning bago nato nga kwarta hip kaayo. ahaha.. colorful..
mao gyud..para mabag-o na ang papil nga money oi,kaging style nice au ibutang sa pitaka
Similar Threads |
|