Hahatulan ng Diyos ang mga hindi naniniwala o nanampalataya ayon sa Kanyang Salita.
ibinigay na ang mga patunay at ang katotohanan subalit kanila itong tinanggihan at nagmatigas.
sila na mga mapagmataas nasa huli ang pagsisisi at tagumpay sa Kanyang mga Anak.
O Diyos na MAKAPANGYARIHAN AT BANAL, nalalaman mo ang bawat puso ng tao,
Ikaw na humahatol sa KALIKUAN AT KATAMPALASANAN...
batid mo ang mga nabubuhay sa KAMANGMANGAN na silang tumatanggi sa kATOTOHANAN Mo.
Sa iyong mga SALITA, sa mga BANAL MONG LINGKOD at Ang KASAYSAYAN na nagpahayag sa Iyo.
mula sa mga Propeta, Apostol at mga Mangangaral na MARTIR AT INUSIG ng kanilang mga ninuno...
Silang NAGKAILA AT UMAPI sa iyong mga lingkod noong una,
Silang ginagamit ang KALAYAAN o DEMOKRASYA para gumawa ng KASAMAAN.
At ang LAKAS para kanilang pagsamantalahan at abusuhin ang MAHIHINA,
Sila na mga sarado ang pag- iisip at mga IPOKRITO na naghahanap ng SARILING PURI!
MAPAGKUNWARI na nakikisama sa kawan para makaligtas sa KAHATULAN Mo, subalit mahahapiya sila.
Sila na mga NAGMAMAGALING subalit mga HANGAL!
Nalalaman mo na sila'y hindi kumilala kay Kristo at sumampalataya, sila'y sa ama nilang diablo.
Silang nagtiwala sa kanilang sariling KARUNUNGAN AT GAWA...
Na iniligaw ang marami na mahina ang pananampalataya sa kanilang LIMITADONG ISIP, SARILING OPINYON AT MGA HAKA- HAKA.
Na puno ng PANTASYA AT KADILIMAN, kasama na ang mga nagsisimba kuno pero hindi tumayo sa katwiran kundi hindi talaga kilala ang Diyos at hindi naniniwala sa Salita ng Diyos na ito'y Kanya.
Sila ay hahatulan mo sa huli kasama ni SATANAS at ANTI- KRISTO na dumaya sa mga bansa sila ay MABUBUWAL tulad ng Kahariang BUMAGSAK sa kanyang kinatatayuan!