i dont think this is just a case of miscommunication regarding kung may papers ba o wala yung sire/stud. i really think itong pangyayaring ito ay kumakatawan sa isang sitwasyon kung saan gustong tumakas ng dam owner sa naunang pinagkasunduan sa paraan ng pagbabayad ng pagpapakasta. siya na rin ang nagsabi, napag-isip nila at that time na mahal ang bayad na 5k sa stud, kaya nga nagmungkahi sila na puppy share na lang; at kagyat na pumayag naman ang may ari ng sire. ang nakakalungkot ay pagdating na ng mga tuta, at napagtanto ng may ari ng dam na "naku lugi na naman yata ako dito kase pwede ko ibenta ng 10k ang tuta samantalang 5k lang dapat ang bayad sa stud". kaya ngayon pilit na hinahanapan ng butas ang sitwasyon para makaiwas sa puppy sharing na nauna ng pinagkasunduan.
nakakalungkot ang mga ganitong sitwasyon; kahit saan anggulo mong tingnan, lugi ang stud owner... ika nga "the stud owner is always at the mercy of the dam owner" palaging nakaasa sa innate goodness ng dam owner ang sire owner at aasam na lang na tutupad sa kasunduan ang may ari ng dam. nakakalungkot di po ba? kung wala ba ang sire, magkakaanak ba ang inyong babaeng aso? may maibebenta ba kayo? WALA. kaya sana lang maging maginoo/ginang tayo sa pakikipagusap sa kapwa natin nag-aaso. baligtarin ang sitwasyon, sigurado masasaktan rin kayo. tsaka parang pangit naman tingnan na masyadong "bentahoso" ang dam owner at dun siya palagi gustong lumugar sa kung saan less ang damage sa kanya. tsk tsk tsk
yun lang.![]()




