Naalala ko na natanggap ko ang mga nakababagabag na katanungang ito mula sa
aking mga kaibigan, parang isa ka na doon.
Tama ka sa iyong paglapit sa akin ukol sa iyong mga katanungan ... datapwat
hindi ako nakakasiguro sa lahat ng aking sagot, susubukan kong bigyang
liwanag ang mga ito ...
Handa ka na ba? Eto na ...
1. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?
Pwedeng uminom ng softdrink kung coffee break ngunit kailangan itong
lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (Milk in my
cereal, Kopimeyt in my Pepsi. Sounds good to me!)
2. Pwede bang gamitin ang AM radio pag gabi na?
Maari lamang gamitin ang AM radio kapag gabi kung ang iyong
pakikinggan ay FM.
3. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may
sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na fire
escape.
4. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?
Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao.
Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag
nalagutan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.
5. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masasaya kaya sila
tinawag na chicken joy?
OO, ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y
tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa Jolibee patayin ang
manok upang ito ay maging masaya. Ang mga manok ay nagiging masaya kapag
sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi
chicken joy kundi ...
McChicken singles.
6. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day, 7 days a week, at 365
days a year. Bakit may lock pa ang pinto nila? Bakit? Bakit?
Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break din naman ang mga
nagtatrabaho sa 7-11. (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring
inumin kapag coffee break) Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap
year.
7. Bakit di mataas ang highway?
Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.
8. Ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat
hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ngayon kung titingala ka
naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng
iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata,
Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pangmayaman kaya't
huwag na kayong magpumilit mamilosopo ... ako lang ang may karapatan. Kung
idadahilan niyo naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong
tinatawag na sense of humor. Namamatay ng maaga ang palaging seryoso.
Sana ay nasagot ko ang iyong mga tanong at kung mayroon pang ibang bagay na
bumabagabag sa iyong isipan huwag kang mag-alinlangang magpadala sa akin ng
e-mail. At lagi rin natin sana tandaan ang banyagang salawikain na "ask a
dumb question and you'll get a dumb answer." Maraming salamat.
Walang anuman.