Nah naa napud ni...
Lies: What is written in the bible is an absolute truth
Truth: Bible is full of errors, contradictions and discrepancies
Nah naa napud ni...
Lies: What is written in the bible is an absolute truth
Truth: Bible is full of errors, contradictions and discrepancies
hahay...mao napud ning atong lalisan ron. hahaha!
-WEI?
Okay rana, mada rana ug smile.![]()
Ang katotohanang binigyan tayo ng Diyos ng Bibliya ay isang sapat na patunay at pagpapakita ng pag-mamahal Niya sa atin. Ang ibig sabihin ng salitang “Pahayag” ay sinabi ng Diyos sa sangkatauhan kung sino Siya at kung papaano tayo magkakaroon ng tamang relasyon sa kanya. Ang mga bagay na ito ay hindi natin malalamam kung hindi ito inihayag ng Diyos sa Bibliya. Kahit na inihayag ng Diyos sa progresibong paraan ang kanyang sarili sa bibliya sa loob ng isan libo at liman daang taon, naglalaman pa rin ito ng lahat lahat na kinakailangan ng taong malaman tungkol sa Diyos, upang magkaroon ng tamang relasyon sa Kanya. Kung ang Bibliya ay totoong salita ng Diyos, Samakatuwid ito ang kahuli-hulihang may otoridad sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pananampalataya, relihiyosong kaugalian at moralidad.
Ang isang katanungan na dapat nating itanong sa ating mga sarili ay, papaano natin malalaman na ang Bibliya ay salita ng Diyos at hindi lamang isang magandang libro. Ano ang kaibahan ng Bibliya na naghihiwalay sa kanya sa iba pang mga relihiyosong librong naisulat? Mayroon bang mga ebidensiya na ang Bibliya ay totoo ngang salita ng Diyos? Ganitong klase ng mga katanungan ang dapat nating tingnan kung seryoso nating pag-aaralan ang pag-angkin ng Bibliya na ito ay totoong salita ng Diyos, Banal, inspirado at sapat sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pananampalataya.
Walang pag-aalinlangan sa katotohanang inangkin ng Bibliya na totoo ngang salita ito ng Diyos. Malinaw na makikita ito sa aklat ng 2 Timoteo 3:15-17 “ Mula pa sa pagkabata alam mo nang ang banal na kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo sa katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay, sa gayon ang lingkod ng Diyos ay maging handa sa lahat ng mabubuting gawain.
Para masagot ang mga katanungang ito kinakailangan nating tingnan ang panloob at panlabas na ebidensiya na totoo ngang ang Bibliya ay salita ng Diyos. Ang panloob na ebidensiya ay yaong mga bagay na nakapaloob sa bibliya mismo na siyang nagpapatotoo sa banal nitong pinagmulan. Isa sa mga kauna-unahang panloob na ebidensiya na nagpapatunay na salita nga ng Diyos ang bibliya ay nakikita sa pagkakaisa nito. Kahit na aang Bibliya ay animnapu’t anim na iba’t-ibang aklat, isinulat sa tatlong kontinente, sa tatlong magkaibang linguwahe, sa loob ng humigit kumulang isan libo at liman daang taon, ng apatnapung manunulat, nananatili pa ring nagkakaisa ang Bibliya simula hanggang sa katapusan at wala itong pagkakasalungat. Ang ganitong pagkakaisa ay kakaiba sa lahat ng mga libro. Isa lamang itong patunay sa banal na pinagmulan ng mga salita, kumilos ang Diyos sa mga tao at isinulat nila ang kanyang mga salita.
Ang isa pang panloob na ebidensiya na nagpapakitang ang Bibliya ay salita ng Diyos ay makikita sa detalyadong propesiya na nakapaloob sa mga pahina ng Bibliya. Ang Bibliya ay naglalaman ng daan-daang detalyadong mga propesiya na may kinalaman sa hinaharap ng mga bansa kasali na ang bansanag Israel, sa hinaharap ng isang lungsod, sa hinaharap ng sangkatauhan at ang pagdating ng Tagapagligtas. Tagapagligtas hindi lamang ng Israel kundi sa lahat ng mga sumasampalataya sa Kanya. Hindi katulad ng mga propesiyang matatagpuan sa ilang mga relihiyosong libro o yung mga librong isinulat ni Nostradamus, ang mga propesiyang Biblikal ay mariing naka-detalye at hindi ito nabigong magkatotoo. Mayroong higit pa sa tatlong daang propesiya tungkol kay Hesus sa lumang tipan lang. Hindi lang nalaman ng naturang mga propesiya na ipapanganak si Hesus sa mundo at kung anong pamilya ang kanyang panggagalingan, nalaman ding mamamatay Siya at mabubuhay ng mag-muli pagkatapos ng tatlong araw. Walang makatuwirang paraan para ipaliwanag ang natupad na mga propesiya sa Bibliya kundi ang banal nitong pinagmulan lang.
Ang Pangatlong Panloob na ebidensiya ng banal na pinagmulan ng Bibliya ay makikita sa kakaibang otoridad at kapangyarihan nito. Ang bibliya ay mayroong kakaibang otoridad na kakaiba sa alinmang librong naisulat. Ang otoridad na ito ay makikita sa hindi mabilang na mga buhay na nabago dahil sa pagbabasa ng Bibliya, ang mga lulong sa ipinagbabawal na gamot ay napagaling ng Bibliya, ang mga bakla ay pinalaya nito, ang mga kriminal ay pinabuti nito, ang mga makasalanan ay pinagsabihan nito at ang pagkamuhi ay napalitan ng pagmamahal dahil sa pagbabasa ng Bibliya. Ang Bibliya ay nagmamay-ari ng kapangyarihang nakapagbabago ng buhay ng tao at nagiging posible lamang ito dahil ito’y totoong salita ng Diyos.
Hindi lang ang mga panloob na ebidensiya ang nagpapatunay na ang Bibliya ay totoong salita ng Diyos, mayroon ding panlabas na mga ebidensiya na nagpapakita na totoo ngang ang Bibliya ay salita ng Diyos. Ang isa sa naturang ebidensiya ay ang “Historicity” ng Bibliya. Dahil ang Bibliya ay nagdedetalye ng nakaraang pangyayari, ang katotohanan nito at pagiging wasto ay nangangailangan ng beripikasyon kagaya ng iba pang mga dokumento ng nakaraan. Sa pamamagitan ng ebidesiyang archeological at iba pang mga nakasulat na dokumento. Ang nakaraang tala ng Bibliya ay napatunayan ng ilang ulit na wasto, totoo at walang pagkakamali. Dahil sa mga ebidensiyang nakasulat at archeological na sumusuporta sa Bibliya, naging pinaka-mainam na dokumento ang bibliya mula sa nakaraang panahon. Dahil sa katotohanang ang Bibliya ay nagtatala ng mga wasto at makatotohanang pangyayari sa nakaraan, ito’y isang napakalaking indikasyon ng kanyang pagiging tumpak at totoo kung ang pag-uusapan ay mga relihiyosong paksa at doktrina. Tumutulong din ito para mas lalo pang patotohanan ang pang-angkin nito na ang Bibliya ay salita nga ng Diyos.
Ang isa pang panlabas na ebidensiya na magpapatunay na ang Bibliya ay salita ng Diyos ay ang integridad ng mga taong sumulat nito. Gumamit ang Panginoon ng mga tao mula sa iba’t-ibang antas ng buhay upang itala ang kanyang mga salita. Kung ating pag-aaralan ang buhay ng naturang mga tao, wala tayong sapat na dahilan para paniwalaang hindi sila tapat at sinserong mga tao. Kung ating susuriin ang kanilang buhay, handa silang mamatay dahil sa kanilang pinaniniwalaan. Madaling naging malinaw sa atin na ang ordinaryo subalit mga tapat na taong ito ay totoong naniniwala na ang Diyos ang nagsalita sa kanila. Ang mga taong sumulat mg bagong tipan at ang iilan pang mga mananampalataya (1 Corinto 15:6) ay alam ang katotohanan ng kanilang mensahe, sapagkat nakita nila at nakasama si Hesus matapos siya mabuhay mula sa pagkamatay.Napakalaki ng epekto sa mga taong ito ang nakita nilang muling nabuhay si Hesus. Mula sa pagtatago dahil sa takot naging handa silang mamatay para sa mensahe na inihayag sa kanila ng Diyos. Ang kanilang mga buhay at pagkamatay ay nagpapatotoo lamang na ang bibliya ay salita ng Diyos.
Ang kahuli-hulihang ebidensiya na totoo ngang ang bibliya ay salita ng Diyos ay, hindi ito masisira. Dahil sa pag-angkin ng Bibliya na ito’y salita ng Diyos, dumanas ito ng mas matinding pag-atake at mas maraming tangka na sirain ito kumpara sa alinmang libro. Simula pa noong emperyo ng mga Romano, sa mga komunistang diktador at sa mga hindi naniniwalang may Diyos Subalit nalampasan at napagtagumpayan lahat ng Bibliya ang umaatake dito at nananatiling nangunguna sa pinaka-maraming nalimbag na kopya hanggang sa kasalukuyan.
Sa buong panahon, sinasabi ng mga hindi naniniwala, na ang Bibliya ay isang kuwentong kathang-isip lamang, subalit pinatunayan naman ng archeology na ang bibliya ay historikal. Inatake ng mga kalaban ang mga itinuturo ng Bibliya bilang hindi umano napapanahon. Subalit ang konseptong moral at ligal at ang mga itinuturo nito ay may magandang impluwensiya sa mga sosyudad at kultura sa buong mundo. Patuloy ding ina-atake ng Siyensiya, Saykolohiya at Politika ang Bibliya subalit nananatili pa rin itong makatotohanan at importante hanggang sa kasalukuyan. Ito’y isang libro na nagbago sa hindi mabilang na mga buhay at kultura sa loob ng dalawan libong taon. Gaano man ang pag atake, paninira ang gagawin ng kalaban, mananatili pa ring matatag ang Bibliya. Ang pagiging tumpak at wasto ng Bibliya ay napanatili sa kabila ng tangkang pasamain ito. Ito’y isang malinaw na testimonya na ang Bibliya ay salita ng Diyos. Hindi sana tayo magugulat na sa kabila ng mga pag atake sa Bibliya hindi pa rin ito nagbabago. dahil sinasabi ni Hesus “ Mawawala ang langit at ang lupa ngunit ang mga salita Ko’y hindi magkakabula (Marcos 13: 34) Matapos makita ang mga ebidensiya masasabi natin ng walang pag-aalinlangan na totoo nga na ang Bibliya ay salita ng Diyos.
Does the Bible contain errors, contradictions, or discrepancies?
If we read the Bible at face value, without a preconceived bias for finding errors, we will find it to be a coherent, consistent, and relatively easy-to-understand book. Yes, there are difficult passages. Yes, there are verses that appear to contradict each other. We must remember that the Bible was written by approximately 40 different authors over a period of around 1500 years. Each writer wrote with a different style, from a different perspective, to a different audience, for a different purpose. We should expect some minor differences. However, a difference is not a contradiction. It is only an error if there is absolutely no conceivable way the verses or passages can be reconciled. Even if an answer is not available right now, that does not mean an answer does not exist. Many have found a supposed error in the Bible in relation to history or geography only to find out that the Bible is correct once further archaeological evidence is discovered.
We often receive questions along the lines of “Explain how these verses do not contradict!” or “Look, here is an error in the Bible!” Admittedly, some of the things people bring up are difficult to answer. However, it is our contention that there are viable and intellectually plausible answers to every supposed Bible contradiction and error. There are books and websites available that list “all the errors in the Bible.” Most people simply get their ammunition from these places; they do not find supposed errors on their own. There are also books and websites available that refute every one of these supposed errors. The saddest thing is that most people who attack the Bible are not truly interested in an answer. Many “Bible attackers” are even aware of these answers, but they continue to use the same old shallow attacks again and again.
So, what are we to do when someone approaches us with an alleged Bible error? 1) Prayerfully study the Scriptures and see if there is a simple solution. 2) Do some research using some of the fine Bible commentaries, “Bible defense” books, and biblical research websites. 3) Ask our pastors/church leaders to see if they can find a solution. 4) If there is still no clear answer after steps 1), 2), and 3) are followed, we trust God that His Word is truth and that there is a solution that just simply has not been realized yet (2 Timothy 2:15, 3:16-17).
Panginoon salamat po sa tagumpay at iyong hahatulan silang pumipigil sa iyong lingkod at sa iyong mga Salita, sa iyo ang kapurihan at tagumpay...
Ok, let's start with Genesis' Story of Creation. Was the world really created in 6 days (144 hours)?
truth is better in bible some verses are injected the first who interpret the language of the bbile into english is john weekly forgot the spelling of his surname but some people added verse but its up to the person to know more about it and understand it
Similar Threads |
|