Shame on people like you batloval! First of all, there's nothing wrong with being single. He hasn't even started yet and you judge him like he's done something so bad beyond forgiveness. LOL
Your posts reflects a lot about you. Do us a favor, will you? Look at yourself first before opening your foul mouth.
^^just like your presidential bet represents who yu are... right?
dia pa lain mga artista oh...
Noynoy also eyes govt posts for Dingdong, Ogie Alcasid - Eleksyon 2010 - GMANews.TV
maoh na inyo gbutaran nga pres.. tsk tsk tsk... la pa ni siya ng,ingkod ha nindot namn ug mga gpangbuhat.. padaun lng NoyNoy supporta.an lng ka nila...
Boy Abunda daw soon-to-be Tourism Secretary?..
Hmmm if ever matinuod ni, I'll have high hopes nga ma maintain niya ang gisugdan ni Ace Durano.
Boy already rejected it...
How about this..
Noynoy also eyes govt posts for Dingdong, Ogie Alcasid
Bukod sa TV host at talent manager na si Boy Abunda, nasa isipan din ni president-elect Senator Benigno “Noynoy" Aquino III na bigyan ng puwesto sa gobyerno ang mga Kapuso stars na si Dingdong Dantes at Ogie Alcasid.
“Si Dingdong, si Ogie…siguro dun sa mga advocacy nila gaya sa youth," sagot ni Aquino nang tanungin kung sino pa ang entertainment personalities na ikinukonsidera niyang bigyan ng posisyon sa gobyerno.
Pero nilinaw ni Aquino na hindi pa niya nakakausap sina Dingdong at Ogie na maging bahagi ng kanyang magiging administrasyon.
“Baka magulat sila, hindi ko pa sila nakakausap tungkol diyan…si Dingdong yata nasa abroad," ayon sa senador na nangunguna sa ginawang pagbilang sa mga boto sa mga kandidatong pangulo sa katatapos na eleksiyon.
Sinabi ni Aquino na hindi lang ang pagiging supporter niya sa kampanya ang basehan niya para ikonsidera sina Dingdong at Ogie na bigyan ng posisyon sa gobyerno.
“Matagal din naman natin silang nakasama sa kampanya, nalaman natin ang mga advocacy nila, ano yung mga tinutulungan nilang sector, sayang naman kung hindi magtutuloy-tuloy," paliwanag ng senador.
Bagaman mayroon umanong komite na sumusuri kung sino ang mga taong bibigyan ng posisyon sa kanyang magiging administrasyon, sinabi ni Aquino na naniniwala siya na malaki ang maitutulong nina Dingdong at Ogie sa sektor ng kabataan at industriya ng entertainment na kinabibilangan ng dalawa.
“Kung papayag sila (Dingdong at Ogie) bakit hindi. Si Dingdong alam ko may youth foundation…si Ogie ganun din yata plus yung OPM (organisasyon ng mang-aawit)," pahayag niya.
Nanindigan din si Aquino sa kanyang posisyon na alukin si Abunda na maging kalihim ng Department of Tourism sakabila ng ilang pagdududa sa kakayahan ng TV host at talent manager.
“Narinig ko yung interview (kay Abunda) mukhang ayaw yata…Pero ako naniniwala na qualified si Boy, may pinag-aralan naman siya," depensa niya.
Si Dingdong ang nagsilbing spokesperson ni Aquino sa mga kabataan nitong nagdaang eleksiyon, habang si Ogie ang nag-compose ng unang jingle na ginamit ng senador sa campaign ad nito. - GMANews.TV
Similar Threads |
|