Just want to share this to all those who have cars or vehicles. I got this in my inbox just today.
i DON'T HAVE A CAR, WHAT ABOUT YOU?
Noong 2007, ang kontrata ng STRADCOM sa computerization ng LTO ay nagtapos na. Subalit dahil nakasaad sa kontrata na "HAWAK NILA SA LEEG" ang LTO, dahil sa pagtatapos ng kanilang kontrata ay dadalhin nila ang mga computer hardware at software, at ang ititira ay ang DATA lamang, nanatili ang STRADCOM sa LTO. Patuloy sa paninigil ng COMPUTER FEE kahit na ang DATA ng bawat sasakyan ay naka-encode na at wala ng dapat pang i-build up o i-data entry. Patuloy ang pagkulekta ng STRADCOM ng bayad, dahil walang kumukwestiyon, sa ilalim ng ilong ng mga motorista.
Sa kabila nito, ang pamunuan ng DOTC at ng LTO ay humingi ng mas malaking "PARTE", ibig sabihin, patong, lagay, kickback, etc, dahil nga naman, tubong lugaw na ang STRADCOM dahil dapat tanggal na nga sila. Syempre pa, medyo nagpakipot ang pamunuan ng STRADCOM at nagmungkahi na magdagdag na lang ng mga singilin sa motorista dahil anila, mga bobo naman at hindi aangal. Kung may aangal man, kokonti lang dahil gaano na lang ba ang sisingilin eh minsanan lang naman ang bayaran isang taon. At anila, may pera ang mga motorista dahil naka-sasakyan nga. Dito na ipinatawag ng STRADCOM ang kanilang mga "money making" thinktank upang umisip ng mga paraan kung paano pa makaka-kolekta ng dagdag kita upang lalo pa silang magkamal ng salapi.
Unang pinalusot ay ang tinatawag na INTER-CONNECTION FEE daw. ito ay karagdagang P70.00 pesos kapag ikaw ay nagpa-smoke belching test. Napansin ba ninyo, bukod sa P350.00, eh may naka staple pang resibo na P70.00? Me narinig ba kayong angal? me umapila ba? wala di ba. e ano nga ba yung P70.00 peso eh naka Honda CITY ka naman. chicken feed!!!
YUN ANG BASIS NG STRADCOM, walang aangal dahil barya lang ang sinisingil nila. Naunawaan nyo ba kung ano yung inter-connection fee? Malay mo nga naman diba, nadale na kayo dun pero okay lang kayo kasi nga P70.00 lang.
Teka, 8 million registered vehicle X 70.00 = 560 million pesos na walang kahirap hirap. KADA TAON HA. Malaki din pala nadudugas namin sa inyo. Aangal na ba kayo?
Pero dahil mga buwaya nga, talagang walang kabusugan. Kaya pinulong ulit ng mga hunghang ang mga evil brains para utusan na, "Pigain na natin ng husto ang mga bobong motorista, bayad naman ng bayad eh". At dito na ipinanganak ang unang plano na "Car info sticker" kung saan didikitan ng sticker ang mga sasakyan, nakalagay dito ang mga detalye na makikita din naman sa "Certificate of Registration" o "CR", at sisingilin nila ng P300.00 yung sticker. Di syempre sangkatutak na angal ang inabot nila. Napigilan ito, hindi napatupad. Bulilyaso! eh kasi nga walang bahid High Tech. Mantakin mo nga naman na sticker lang tapos ang impormasyon eh nasa CR na din, hindi umubra.. Ipa-photocopy (reduced) na lang yung CR at idikit sa windshield, sabi ng mga pilosopo kaya na-abort yung evil plan number 1.
Pero hindi agad susuko ang evil brains ng STRADCOM, kailangang magmadali dahil dapat magkapera at ma-implement ng October. Na browse sa internet ng mga IT gurus ang tungkol sa RFID, at iminungkahi agad kahit na hindi pang vehicle talaga. Napagkasunduang, pwede, at inaprubahan agad. Ang siste, ang lalamanin lang ding impormasyon nito ay kung ano ang nakalagay sa CR, pero, may bahid high tech na, kasi R.F.I.D. na. Naintindihan nyo ba ibig sabihin ng RFID? Basahin nyo na lang sa last part.
Tatlong klase ang pwedeng gamit ng RFID:
1. sa simpleng paliwanag, parang tag lang ito, barcode or product code. na ang corresponding data or information ay mare-retrieve mo sa main computer gamit ang isang reader or scanner.
2. o kung ito ay may microchip, pwedeng mag store ng data dito at marere-trieve din ang data gamit ang isang reader.
3. at ang pinaka delikado sa lahat, na maaring gamitin laban sa mga motorista, PWEDE KANG I-TRACK ng ahensiya. RFID ang gamit sa mga producto sa mga dept stores na medyo mahal ang item at RFID din ang gamit sa mga cargo ng freight services.
Pero may pakinabang ba talaga tayo sa RFID kung ito ay gagamitin sa mga sasakyan? WALA. ang tunay na gamit ng RFID ay para sa PRODUCT TAGGING, INVENTORY, AT TRACKING. Sa mga producto para ma-track mo kung nasaan na yung location dahil kada daan nito sa isang area, nababasa ng reader ang RFID at alam na dumaan na ito. Maaaring naglalaman din ito ng info kung sino ang manufacturer, kung ano ang laman, timbang at kung saan ang destinasyon, dahil nakalagay na ito sa RFID o sa main database.