Page 7 of 13 FirstFirst ... 45678910 ... LastLast
Results 61 to 70 of 127
  1. #61

    @schmuck

    this is epic win!

  2. #62
    Question and answer portion ba to? yung mga wala ng masabing matino at kulang lang sa pansin maghanap kayo ng thread na makakapangulo kayo...again the mod will decide whether this thread will stay, panay kayo nagsasabi ng spam di niyo naman talaga alam ang ibig sabihin ng ginagawa ko pakialaman niyo mga buhay niyo.

  3. #63
    Ang Diyos ang bumabawi ng buhay dahil Siya ang may likha nito at kahit na kalikasan maipapakita ng Diyos ang Kanyang parusa.

    Ang mga naniniwala at nakakakilala sa Diyos ay naniniwalang Siya ay matuwid para parusahan ang kasalanan ng tao.

    Ang Poot ng Diyos Laban sa Sangkatauhan

    18Ngayon, nahayag mula sa langit ang galit ng Diyos laban sa lahat ng kawalang pagkilala sa Diyos at hindi pagiging matuwid ng mga tao. Kanilang pinipigil ang katotohanan sa pamamagitan ng kanilang hindi pagiging matuwid.

    19Ito ay sapagkat ang maaari nilang malaman patungkol sa Diyos ay maliwanag na sa kanila, dahil inihayag na ito ng Diyos sa kanila.

    20Ito ay sapagkat ang hindi nakikitang mga bagay patungkol sa Diyos, simula pa sa paglikha ng sanlibutan, ay malinaw na nakikita na nauunawaan ng mga bagay na nalikha, kahit ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kaya nga, wala na silang anumang maidadahilan.


    21Ito ay sapagkat kahit kilala na nila ang Diyos, hindi nila siya niluwalhati bilang Diyos, ni nagpasalamat sa kaniya. Sa halip, ang kanilang pag-iisip ay naging walang kabuluhan at ang mga puso nilang hindi nakakaunawa ay napuno ng kadiliman.

    22Sa pagsasabi nilang sila ay matatalino, sila ay naging mga mangmang.

    23Ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kabulukan ay pinalitan nila ng tulad ng anyo ng taong may kabulukan. At ng mga anyo ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa at ng mga hayop na gumagapang.


    24Kaya nga, hinayaan sila ng Diyos na gumawa ng maruruming mga bagay ayon sa pagnanasa ng kanilang mga puso. Ang idinulot nito ay ang paglapastangan ng kanilang mga katawan sa isa't isa.

    25Pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan ng Diyos. Ang nilikhang bagay ay sinamba nila at pinaglingkuran kaysa sa lumikha, na pinupuri magpakailanman. Siya nawa.


    26Sa dahilang ito, hinayaan sila ng Diyos sa pagnanasang walang dangal sapagkat maging ang kababaihan nila ay nagbago ng likas nilang gamit patungo sa taliwas sa kalikasan.

    27Gayundin ang mga lalaki sa pag-iwan nila sa likas na gamit ng mga babae. Sila ay nag-aalab sa pita sa isa't isa. Ang mga lalaki kasama ang lalaki ay gumagawa ng kahihiyan at tinanggap nila ang kaparusahang karapat-dapat sa mga liko nilang gawa.


    28At ayon sa pinagpasiyahan nilang huwag mapasa-kaalaman nila ang Diyos, hinayaan na sila ng Diyos sa kaisipang taliwas upang gawin nila ang mga bagay na hindi karapat-dapat.

    29Sila ay napuspos ng lahat ng uri ng hindi pagiging matuwid, pakikiapid, kasamaan, kasakiman, masamang hangarin, pagka-mainggitin, pagpatay, paglalaban-laban, panlilinlang, hangaring manakit at pagsisitsit.[a] 30Sila ay mga mapanirang puri, namumuhi sa Diyos, walang galang, mapagmataas, mayabang, mapaglikha ng masasamang mga bagay at masuwayin sa mga magulang.

    31Sila ay mga walang pang-unawa, sumisira sa usapan, walang likas na paggiliw, hindi nagpapatawad at mga walang habag. 32Alam nila ang matuwid na kautusan ng Diyos, na ang mga gumagawa ng ganitong mga bagay ay nararapat sa kamatayan. Hindi lang sa kanila na gumagawa ng mga ito, kundi sa kanila rin na sumasang-ayon pa sa mga gumagawa ng mga ito.

  4. #64
    "Those who oppose me are simply ignorant of the truth of the Word of God, but those i rebuke in the name of the Lord are the hypocrite who hide from shadow of false doctrine...

  5. #65
    Quote Originally Posted by James307 View Post
    "Those who oppose me are simply ignorant of the truth of the Word of God, but those i rebuke in the name of the Lord are the hypocrite who hide from shadow of false doctrine...

    Bang ........... and Pilate said: "What is the truth?"

  6. #66
    Ano ang katotohanan?

    I. May Isang Diyos na lumalang, Siya ay Spiritu, Banal at Makapangyarihan, marunong sa lahat na nasa lahat ng dako, siya eternal at Kanyang plinlano lahat ayon sa Kanyang kalooban. (Mga Awit 14:1, Juan 4:24, Roma 1:18-25)

    II. Ang Bibliya na Salita ng Diyos na mensahe niya sa mga nilalang magmula sa bayang Israel na Kanyang pinili hanggang sa mga mananampalataya, ito ay pagkain ng Spiritu at karunungan mula sa Diyos ayon din sa Kasaysayan. (Marcos 13:31, 2 Kay Timoteo 3:15-17, Hebreo 4:12)/

    III. Ang Diyos na may Tatlong Persona- Ang Ama, Anak at Spiritu Santo na ang Ama na siyang lumikha ang Anak na siyang nagligtas at ang Spiritu Santo na nananahan sa mga tunay na Kristiano. (Mateo 1:19, Mga Taga-Filipos 2:6-10, 1 Juan 5:5-8 )

    IV. Pananampalataya upang maligtas sa biyaya ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng gawa pagka't hindi kayang iligtas ng tao ang kanyang sarili at siya ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos liban na lamang na siya ay maging malinis at maligtas sa pamamagitan ni Hesus Kristo. (Juan 3:16, Epeso 2:8-9)

    V. Ang Buhay na walang hanggan sa Langit na pangako ng Diyos sa lahat ng tunay na tumanggap, na sila ay maghahari at makakasama niya sa paraiso kung nasaan ang mga Anghel, gintong hindi nasisira na kung saan wala ng paghihirap at pagluha pa. (Juan 1:12, Mga Taga-Efeso 1:13, Kay Tito 1:2)

    VI. Ang Langit at Impyerno na uuwian ng ating kaluluwa kung mananampalataya ka ni Hesus sa Langit subalit sa mga hindi sumampalataya sa Impyerno ang babagsakan at ang parusa ayon sa kanilang mga ginawa na pang walang hanggan. (Juan 14:2, Pahayag 20:15)

    VII. Ang Bautismo sa Spiritu at Tubig na ang Bautismo sa Spiritu nung tangappin mo si Hesus ay ikaw ay nahugasan at sa tubig bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagpapahayag mo bilang isang miyembro ng Iglesia. (Juan 1:29-34, Mga gawa 8:37-38, Kay Tito 3:5)

    VIII. Ang Banal na Hapunan sa pagunita sa kamatayan ni Hesus na ang tinapay simbolo ng Kanyang Katawan at ang Saro na simbolo ng Kanyang Dugo na ganapin ayon sa tinuro niya na ang gaganap nito ay matuwid sa harapan niya. (Lucas 22:7-22, 1 Mga Taga-Corinto 11:17-34)/

    XI. Ang Iglesia na si Kristo ang ulo na ang katawan ay ang mga Mananampalataya ni Hesus na nagtitipon upang sumamba at makasama ang mga kapatiran. (Mga Taga-Efeso 5:23, Mga Taga-Colosas 1:18, Pahayag 22:16)

    X. Ang Mission upang akayin ang mga naliligaw ng landas patungo kay Hesus ang pagpapalaganap ng Kanyang Salita at pag tatayo ng Iglesia sa lahat ng dako. (Roma 1:14-17)/ XI. Disiplina sa loob ng Iglesia na dapat na maipakita sa lahat bilang pastor, mangangawa, miyembro ayon sa Kabanalan na nasusulat sa Bibliya at upang maging liwanag sa iba. (1 Mga Taga-Corinto 5:1-5)

    XII. Ikalawang pagbabalik ni Kristo na magaganap sa lalong madaling panahon kasama ng mga tanda at ayon sa propesiya, na kanyang hahatulan ang mga di sumampalataya para parusahan ayon sa kanilang mga kasalanan na ikalawang kamatayan na magpakailanman, gantimpalaan ang mga tapat at upang makasama ang mga mananampalataya sa paraiso habang buhay. (1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18, Pahayag 20:1-6).

  7. #67
    Quote Originally Posted by James307 View Post
    "Those who oppose me are simply ignorant of the truth of the Word of God, but those i rebuke in the name of the Lord are the hypocrite who hide from shadow of false doctrine...
    thanks for the lulz james. seriously, salamat! you are full of win!





    Quote Originally Posted by James307 View Post
    Question and answer portion ba to? yung mga wala ng masabing matino at kulang lang sa pansin maghanap kayo ng thread na makakapangulo kayo...again the mod will decide whether this thread will stay, panay kayo nagsasabi ng spam di niyo naman talaga alam ang ibig sabihin ng ginagawa ko pakialaman niyo mga buhay niyo.

    oh yeah, sorry about that, I forgot that you are preaching.

    Dont get me wrong. I'm not just doing this for fun(partly).
    I've seen all the other forums you post on. Its always the one-man, one-way show with you.
    So take your spam somewhere else.
    Or continue to see how much creative I can get with these things.
    Last edited by schmuck; 10-05-2009 at 10:33 PM.

  8. #68
    Okay.. i'll leave you alone.. anyways am not interested in these matter.. just wanna express
    my disAppointment on your ideals, might be from God, but delivered quite exaggeratedly...

    Since you're not answering them, then i have nothing more to do but stay away from this thread..

    Can't help it but think you're a rather by-the-book guy... am not
    interested to argue with such people... ^^

    Anyways.. I actually got your message... you just delivered it quite wrong...

  9. #69
    ^ sayang ra imong efforts prukutung.
    nitubag cya sa imong gikugihan nga point by point reply? wala.
    ni acknowledge cya na pede diay maka tubag ang tao sa iya kai forum ni? wala.

    ergo, broadcaster este, spammer ra na.

  10. #70
    wonder what's with the "James" name?

    shouldn't he be banned a long time ago... why is he still here?

  11.    Advertisement

Page 7 of 13 FirstFirst ... 45678910 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Message: To All Filipino Christians (@ Pinoy Religion Forum)
    By James307 in forum Spirituality & Occult - OLDER
    Replies: 19
    Last Post: 09-04-2009, 07:39 PM
  2. To all Young Christian People on any ministries
    By Silver_clone in forum Spirituality & Occult - OLDER
    Replies: 30
    Last Post: 05-24-2009, 03:11 AM
  3. To all Filipinos Everywhere:
    By yankee1264 in forum Politics & Current Events
    Replies: 2
    Last Post: 02-26-2008, 01:59 PM
  4. A Warning to all Filipinos, specially in Manila areas
    By cebu-future in forum Politics & Current Events
    Replies: 11
    Last Post: 10-15-2007, 06:27 AM
  5. A Warning to All Filipinos
    By j_ybanez in forum Politics & Current Events
    Replies: 5
    Last Post: 10-14-2007, 05:42 AM

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top