
Originally Posted by
foxtrot
Kung uuwi lahat ang mga Filipino entertainers, mga bandang Pinoy from all the corners of the world...
--- sigurado ako lulungkot ang mga little corners of the world na yon at papait ang mga iniinom na beer ng mga yon habang wala ang mga Pinoy!
Kung uuwi lahat ang mga domestic helpers, care givers, nurses from all over the world...
--- sigurado ako maraming malulungkot from all over the world, mami-miss nila ang ibang-ibang klase at natatanging tender loving care ng mga Pinoy!
Kung uuwi lahat ang mga engineers, architects, at iba pang mga Pinoy na invlove sa infrastructure developments around the globe...
---sigurado ako maraming mga projects ang mabibitin around the globe specially iyong mga nakasubok na ng ingenuity o taglay na abilidad ng Pinoy!
At kung aalis naman palabas ng 'Pinas ang lahat ng mga politiko, at yong mga Pinoy na wala ng makita kundi ang mga masasamang bagay tungkol sa Pilipinas at Pilipino...
---mas sigurado ako na maraming mag pi-fiesta from Batanes to Jolo at simula ng gaganda at titiwasay ang takbo ng pamumuhay nating lahat!