Ngayong Monday na ang pictorial ni Marian Rivera para sa Darna at suot na ang mas sexy at final costume na gagamitin niya sa bago niyang soap. Hindi ito ‘yung costume na ginamit niya sa cinema plug shoot na gawa ni Pepsi Herrera at tingin ng iba’y conservative.
Hindi nga lang alam ng source namin kung Singaporean designer nga ang gumawa ng costume, basta maganda at lilitaw ang kaseksihan ni Marian. Ayaw sabihin kung saan ang pictorial para siguro walang makakapasok na hindi kailangan sa pictorial at ‘di makapagnakaw nang pagkuha ng litrato.
This week na rin ang storycon ng Darna at makikilala na natin ang mga makakasama ni Marian at gaganap sa mga importanteng karakter. Makukumpirma na rin kung totoong si Robert “Buboy” Villar Jr., ang gaganap sa role ni Ding and hopefully, malaman na kung sino si Valentina. First week of July ang simula ng taping ng Darna na papalit sa Zorro.
Katrina tinanggal na sa flawless? | Pilipino Star Ngayon >> Pilipino Star Ngayon Sections >> Showbiz



Reply With Quote




