another one....
third party
written by Ian Farinas and published on July 23, 2006 at Journal Online
SA wakas, inamin na rin ng nagbabalikbayang si Antoinette Taus na si Karylle ang nagsilbing last straw para hiwalayan niya ang boyfriend of six years na si Dingdong Dantes.
Sa isang interview noong Sabado, napilitan si Toni na i-reveal ang ilang maseselang detalye ng break-up dahil na rin sa pangungulit ng mga ayaw paawat na writer.
Kinumpirma niya ang matagal nang tsismis na may “something” na’ng namumuo kina Dingdong at Karylle habang sila pa ng binata’t siya’y nasa Amerika.
“Marami na ‘kong naririnig, pero dedma lang ako sa lahat. Maraming nagpapaabot ng balita,” paglilinaw pa ng bagong alaga ni Annabelle Rama.
Hanggang sa isang kaibigang taga-showbiz din ang nagpaabot ng tsika na nakitang magkasama at sweet sina Dingdong at Karylle sa Hong Kong.
“Dinenay niya (Dingdong), pero para sa akin, that was it. Ayoko na talaga,” dagdag pa ni Toni.
Kaya pala ganu’n na lang kabilis ang pag-a-announce ni Dingdong na sila na ng dalaga ni Zsa Zsa Padilla, anang kaharap na reporters.
“One week after we broke up, in-announce na nila,” sambit pa niya.
Pero never daw niyang kinunfront ang kaibigang si Karylle. Katuwiran ni Toni, kung meron mang dapat mag-explain, si Dingdong ‘yon, dahil ang feeling niya, mas may fault ito’t mag-boyfriend pa sila nu’ng mga panahong iyon.
Maiintindihan naman daw niya dahil pati siya’y nakaramdam ng hirap sa long-distance relationship.
Eh, pa’no kung ma-realize ni Dingdong na siya pa rin ang mahal nito?
“Ay, ayaw ko nang maging tanga! Joke!” mataray, pero nakangiting dialogue ni Toni sa mga kausap.
Wala naman daw siyang intensyong guluhin pa ang relasyon nina Karylle at Dingdong ngayong nasa Pilipinas siya.
Nagkataon lang na tinanong siya ng writers at ayaw naman niyang patuloy na magsinungaling.
Banned nga ba siya sa GMA-7, kung saan namamayagpag ang tambalan ng dalawa?
“Ay, wala po akong idea tungkol d’yan,” mahinahong tugon ng nag-slim down nang young actress.
As far as she is concerned, bumalik siya para magtrabaho at ang manager nang si Tita Annabelle ang bahala kung ano’ng assignment ang ibibigay sa kanya.
Kung wala pa ring mangyayari, babalik siya ng Amerika.
Ang sigurado pa lang ay ang pagpu-pose niya nang sexy sa cover ng isang prestigious men’s mag.
Ayaw pa nga lang nitong i-divulge kung aling men’s mag dahil baka ma-preempt at nagpapapayat pa sa kasalukuyan.
Sa ngayon, okay naman daw ang relasyon nila ni Dingdong at itinanggi pa ang sitsit na may dalawa silang anak na itinatago sa Tate.
Totoong tumawag ang actor sa kanya nu’ng kadarating niya’t ipinagtanong pa sa isang kaibigang actor kung pa’no siya maku-contact.
Tumawag muna ang kaibigang actor na `yon kay Toni para ipaalam na ibibigay ang number niya kay Dingdong at pumayag naman ang aktres.
Nagkausap nga sila, pero no big deal `yon para kay Toni.
Samantala, isang mapagkakatiwalaang source naman ang narinig naming nagsabi na sa sobrang okay ng relationship ng dating mag-dyowa, si Dingdong pa raw ang nag-asikaso ng rent-a-car ng dalaga habang naririto.
O, ‘di ba, “SOP” na “SOP” ang dating? Sobrang okay talaga, pare.
-----------------
sus kaluoy ni antoinette.. mas worse pa man diay gi buhat ni karylle kesa ni marian! hahahahahahahaha o ayan mga kapams ha.... proof jud na. gikan mismo ni antoinette taus! hahahaha