Marami nga akong nakita na beterano at mga asawa ng mga beterano na nagsipag-file ng claim sa PVAO ata nitong linggo lang. May ibang hinihimatay nga dahil sa katandaan. Pagkapirma na pagkapirma ng batas sa Amerika ay natuwa ang mga beterano at naxcite.
Ayos lang naman iyon dahil matagal na nila itong hinihintay. Dumating din ang araw na makakatanggap sila ng compensation. Kahit magkano pa ang ibigay, hindi matatawaran ang simpleng recognition sa nagawa nila noong panahon ng giyera.