I can't help myself to share.
Dapat talaga gamitan din konting psychology. Like my husband, he's very outspoken at talagang magsasalita siya t magagalit kahit nasaan pa kami. Pero natalo ko xa ng aking strategy. Like most everyone said here, dapat cool ang isa pag hot ang isa. Ang husband ko pipilitin ako na magsalita o sumagot kasi nagagalit xa pag ayaw kong sumagot or deadma lang ako. Kasi naman, nara-rattle ako, nauubusan ako ng English (Kano man xa). Ang lagi ko sinasabi sa kanya: I don't want to talk right now at di ko talaga siya papatulan kahit gibain pa niya bahay (hahaha). Then pag nag cool down na xa, saka ako magsasalita ng malumanay at ipinaliwanag ko sa kanya na walang magyayari sa amin kung pareho kaming magsisigawan. Ang maganda lang sa kanya, pag na realize niya na mali xa, nagso sorry agad xa. Ganun lagi ang ginagawa ko kaya ng magtagal, pag nagagalit xa, sasabihin niya kailangan naming mag-usap at di na xa tulad ng dati na sumisigaw o mataas ang boses. At mag uusap talaga kami at pwede naming sabihin I am mad o galit ako sa iyo. At doon magsisimula ang discussions until we reach a solution or compromise. Ngaun very seldom kaming mag-away, very petty na lang na naidadan ko pa sa pakwela. I am very happy sa aking married life. I always thank God for this blessing.