Page 12 of 25 FirstFirst ... 2910111213141522 ... LastLast
Results 111 to 120 of 250
  1. #111

    Default Re: awit sa kamatouran


    Buklod wrote songs and performed
    in political rallies and concerts
    from 1987-1994. Noel Cabangon
    has since gone solo, and Rom Dongeto formed
    the group Layag with Rene Boncocan.
    The songs in this collection
    are lifted from
    the three albums of Buklod,

    Bukid at Buhay
    Tatsulok
    and
    Sa Kandungan Ng Kalikasan


    mabuhi ang kulturanong pakigbisog!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ibagsak ang elitistang pagdumala,ibagsak ang imperyalismo!!!!!

  2. #112

    Default Re: awit sa kamatouran

    May personal na kahulugan ang mga tula at awit para sa bawat nakakabasa o nakakarinig nito, maging kapareho man ito o hindi ng orihinal na mensahe ng makata o komposer.
    Gaya ng "Minsan" ng Eraserheads, halimbawa, na hinihigop akong pabalik sa mga unang taon ko sa UP—partikular sa taong 1995-96 sa Kalayaan Residence Hall. O ng “Kisapmata” ng Rivermaya na muli akong itinatapon sa UP Fair ng mga taon ding iyon. O ng mga awitin ng Parokya ni Edgar, na nagpapaalala sa akin sa tinirahan ko sa Pook Amorsolo.

    Iba naman ang mga isiping noo’y sinusundo ng awiting “Kanlungan.” Nagdadala ito ng mga damdaming nauugnay sa mga pakikibaka: pakikipaglaban para sa totoong kasarinla’t katarungang panlipunan at pagsusumikap na mailigtas ang nauupos nang likas na yaman ng ating daigdig.

    Dati’y nakapagpapaalala ang “Kanlungan” ng nagpapatuloy na pakikibaka—sa iba’t ibang anyo at lakas—para sa isang bagong lipunang Pilipino dahil ang umawit nito ay ang Buklod.

    Isang grupo ng mga progresibong mang-aawit ang Buklod na aktibo sa mga protesta laban sa diktaturyang Marcos. Nang mabuwag ito noong 1987, nagpatuloy ang dalawang kasapi, sina Noel Cabangon at Rom Dongeto, bilang isang banda na patuloy na lumikha at umawit ng mga mapagpalayang musika. Bukod sa "Kanlungan," isa sa mga sikat na kanta ng Buklod ang “Tatsulok,” na nagpapaliwanag ng dahilan ng rebelyon at nananawagan ng pagkilos mula sa kabataan:

    Hangga’t mas marami ang lugmok sa kahirapan
    At ang hustisya ay para lang sa mayaman
    Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
    Hindi matatapos itong gulo…
    Totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok
    Katulad mong dukha
    Ang ilagay mo sa tuktok.

    Samantala, Kapag sinuri ang titik ng “Kanlungan,” walang dudang maka-kalikasan ang kantang ito:

    Lumilipas ang panahon
    Kabiyak ng ating gunita
    Ang mga puno at halaman
    Bakit kailangang lumisan”

    Mismong si Cabangon ay nagsabi na siya’y tumututok sa usapin ng kalikasan: “Ang tutok ko ngayon ay kalikasan at mga bata kasi tungkol ito sa ating kinabukasan, napaka-urgent na usapin. Malaking isyu kung paano mabibigyan ng isang mas ligtas na kapaligiran ang mga susunod na lahi. Sa bilis ng pagkaubos ng ating mga likas yaman baka hindi na maranasan pa ng ating mga magiging anak o maabutan ang mga ito paglaki nila,” wika niya sa isang panayam ng Balikas.

    Nang mapanood ko sa telebisyon ang patalastas na nagtatampok sa “Kanlungan,” napatutok ako sa panonood—natuwa ako’t napakinggan ko ang isa sa mga paborito kong awitin. Ngunit muntik na akong mahulog sa aking upuan nang sa pagtatapos ng kanta ay nalaman kong patalastas pala ito ng McDonald’s.

    Kasalukuyang ibinoboykot ngayon ng marami sa mga tumutol sa agresyon ng United States sa Iraq—kabilang ako—ang McDonald’s, na isa sa mga itinuturing na pangunahing simbolo ng imperyalismong US.

    Itinuturing din ng marami na kalaban ng kalikasan ang dambuhalang McDonald’s. Noong taong 2000, dahil sa pangungulit ng Greenpeace, napilitan pa nga ang McDonald’s ss Europa na tigilan na ang paggamit sa kanilang mga inihahain ng mga hayop na pinakain genetically engineered (GE) animal feed.

    Ayon sa McSpotlight.org, gumagasta ang McDonald’s ng dalawang bilyong dolyar taun-taon upang pagandahin ang kanilang imahe sa daigdig. Sa isa sa mga pahina nito, iniulat ang malaking protesta laban sa “promotion of junk food, the unethical targeting of children, exploitation of workers, animal cruelty, damage to the environment and the global domination of corporations over our lives.”

    Dito sa Pilipinas, nagkaroon din ng kontrobersiya noong isang taon matapos magsimulang magtayo ng gusali ang McDonald’s sa bakuran ng makasaysayang simbahan sa Balayan, Batangas.

    Dahil sa di-magandang rekord ng McDonald’s, nakakalungkot malamang ito ang nagkaroon ng karapatang gamitin sa kanilang patalastas ang awiting “Buklod.” Isa itong malaking kabalintunaan.

    Pana-panahon ang pagkakataon
    Maibabalik ba ang kahapon

    Para sa akin, nawala na ang dating diwa ng kantang “Kanlungan,” ngayong ginamit na ito ng McDonald’s sa kapitalistang layunin nito. Maibalik pa kaya ang nawalang “Kanlungan” ng kahapon?



  3. #113

    Default Re: awit sa kamatouran

    Hinagpis Para Kay Luisita
    Matagal din akong di nakapagsulat dito sa aking tambayan dahil ang dami kong ginagawa. Ngunit ang balita ngayong linggo tungkol sa trahedya sa Hacienda Luisita ay sadyang nakakabagabag. Ang Hacienda Luisita, simbolo ng isa sa dalawang malaking kapalpakan ng rehimeng Cory Aquino, ay muling bumulaga na naman sa pambansang kaisipan. At tulad ng dati, muling ipinakita ng sinumpang lupain na ito ang malalim na problema sa lipunang Pilipino.

    Isang malaking irony na ang Hacienda Luisita ay minsang pinamahalaan ng isang ginagalang na nationalist na si Ninoy Aquino. Kung paniniwalaan natin ang mga personal accounts ni Teodoro Benigno (The Philippine Star, Nov. 19, 2004), binalak ni Ninoy na gawing centerpiece ng kanyang land reform program ang Hacienda, na kanyang ipapabenta sana sa kanyang maybahay na si Cory bago ang kanyang balak na pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas. Ngunit sa kasamaang palad, namatay si Ninoy sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. At sa kanyang kamatayan, naglaho na rin ang mga planong gawing modelo ng makabuluhang reporma ang Hacienda.

    Sa halip, ang Hacienda ay naging modelo ng huwad na reporma sa ilalim ng CARP sa panahon ni Cory Aquino. Dahil sa kanyang pagpapahalaga sa pampamilya at pansariling interes, sinayang ni Cory ang pagkakataong makapagsulong ng isang tunay na reporma sa pamamagitan ng pagpasinaya ng isang land reform law na kulang sa ngipin, maraming butas, at higit sa lahat, malulusutan ng Haciendang nanatili pa rin sa pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Sa ilalim ng CARP, ang Hacienda ay naging isang "korporasyon", kung saan 30% ng shares ay naging "pag-aari" ng mga magsasakang "mabibiyayaan" ng land reform. Pagkatapos ng stock distribution sa mga magsasaka, ang pamilya Cojuangco ang nagkaroon ng control sa mga lupang ito na kanilang patuloy na ginagamit sa kanilang malaking negosyo. (Para sa mas malalim na diskusyon sa Hacienda Lusista at CARP, basahin ang The Anti-Development State ni Walden Bello).

    Mariing ipinagtatanggol ngayon nina Noynoy Aquino at iba pang kaanak at kaibigan ang mga pangyayari sa Luisita. Sabi nila, ang dapat daw sisihin ay ang mga maka-kaliwang grupo na siyang nag-udyok sa mga manggagawa na magpiket at magwelga. Ang mga grupo rin daw na iyon ang mga provocateur na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo. Hindi naman daw ang pulis at ang militar ang nagsimula. Una raw nagpaputok ang mga maka-kaliwa. Ang maka-kaliwang "nanghihimasok" lamang dahil hindi naman sila mga trabahador sa Hacienda.

    May tao bang magkakaroon ng lakas na loob na lumaban sa pinakamalakas na pamilya sa kanilang lugar kung wala siyang tunay na hinaing at walang matinding hirap na nararanasan? May maglalakas-loob ba na ibuwis ang kabuhayan ng sarili at ng kanyang pamilya dahil lamang sa simpleng pang-uudyok?

    Kung ang mga makakaliwang grupo ang nagsimula ng gulo...bakit walang nasaktang pulis at militar? Bakit labing-apat ang namatay kung warning shot lang naman ang pinaputok? Bakit gumamit pa ng baril kung crowd dispersal lang naman, e meron namang truncheon at tear gas?

    Bakit walang karapatang manghimasok ang mga Party-List representatives sa mga isyu ng kanilang mga constituent na masang Pinoy, samantalang si Noynoy Aquino, may karapatang manghimasok sa mga national issue na hindi naman maaapektuhan ang kanyang distrito?

    Bakit nangyayari ang mga bagay na ganito sa isang demokrasya kung saan ang kagalingan ng nakakarami ang dapat na nasusunod?

    Bakit ang kakaunting mayayaman na may-ari ay pinoprotektahan ng ating militar at kapulisan, samantalang ang karamihan na mga mahihirap na walang makain dahil karampot lamang ang sweldo, ay sinasaktan, binabaril at pinapatay?

    Bakit ang 70% ng lupa ay pag-aari ng iisang pamilya lang, samantalang daan-daang pamilya ang naghahati sa tira-tirang 30%?

    Demokrasya ba ito o oligarkiya?

    Kailan kaya babaliktad ang tatsulok?


    Tatsulok
    ng Buklod

    Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
    Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
    Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
    At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

    Totoy makinig ka, huwag nang magpagabi
    Baka pagkamalan pa't ma-salvage ka d'yan sa tabi
    Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
    Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

    Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban
    Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
    Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan
    At ang hustisya ay para lang sa mayaman

    Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
    Hindi matatapos itong gulo
    Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
    Hindi matatapos itong gulo

    Lumilikas ang hininga ng kay raming mga tao
    At ang dating luntiang bukid ngayo'y sementeryo
    Totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok
    Katulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok

    Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
    Hindi matatapos itong gulo
    Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
    Hindi matatapos itong gulo

  4. #114

    Default Re: awit sa kamatouran

    Sayaw sa Bubog


    Buwan ng Pebrero
    Buwan ng pagbabago
    Anong klaseng pagbabago
    Ano sa palagay mo?
    Bumaha ng pangako
    Lason ay isinubo
    Tuloy sa pagkakapako
    May utang pati apo

    Kasinungalingan, isang kahangalan
    Walang libereng kalayaan
    Ito'y pinagbabayaran
    Palabas na moro-moro
    Ito kaya ay totoo?
    EDSA ng pagbabago
    Saan, kailan, kanino?

    Sayaw, sayaw, sayaw sa bubog
    Ang naglalakad ng tulog
    Tiyak na mauumpog

    Tuloy ang ligaya
    Sa iba't ibang hacienda
    Manggagawa't magsasaka
    Kumakalam ang sikmura
    Sari-saring kaguluhan
    Nakawan, karahasan
    Kailan n'yo titigilan
    Ang mga mamamayan

    Buwan ng Pebrero, buwan
    Ng pagbabago saan, kailan, kanino?

  5. #115

    Default Re: awit sa kamatouran

    Rage


    Children begging at the streets at night
    Knocking on cars till the morning light
    People standing in line for a kilo of rice
    Welcome to the dark ages, the era of lies

    Dreams of progress, of visions gone mad
    Mendiola's still drenched with innocent blood
    Demolition men rumbles thru, smokey mountain homes
    Darkness indeed, justice dressed in gloom

    But I'll go not gently into the night
    Rage against the dying of the light
    Sing a song about this terrible sight
    Rage until the lightning strikes
    Go not gently, go not gently, go not gently
    And rage with me

    And the names and faces of the tyrants change
    But poverty, pain and murder remains
    And the voices of truth are locked up in chains
    Darkness remains, freedom in flames

  6. #116

    Default Re: awit sa kamatouran

    Reklamo ng Reklamo


    Reklamo ng reklamo
    Sa hirap ng buhay dito
    Kapwa pilipino
    Ikinahihiya mo
    Masakit sa pandinig ko
    Ang sinasabi mo
    SIguro'y gusto mong
    Maging Amerikano

    Magpunta ka sa tindahan sa tapat
    Magpalit ka ng balat
    Sikmurang walang tibay
    Magpalit ka na ng kulay
    Makulit, nagpupumilit
    Bumili ka na ng tiket
    Sa America magpiknik
    'Wag ka nang babalik

    Reklamo ng reklamo
    Gustong maging Amerikano
    Reklamo ng reklamo
    Ang tatay mong kalbo

    Kay dami ng problema
    ang iyong makikita
    Ngunit ito'y lalala pa kung aalis ka
    Pagkatanggap ng pagkatalo
    Kung ika'y tatakbo
    At kung ikaw'y susuko
    Puri mo'y ilako

  7. #117

    Default Re: awit sa kamatouran



    Little Brown Man
    ( by Joey Ayala )

    1.
    Glad to know you're feeling better
    Happy to hear you've found your mind
    It's no joke to be living in America
    She ain't friendly to our kind
    2.
    You'll always be a second class citizen
    Even if you pay your taxes right on time
    You struggled so hard to get that green card
    Working under the table
    Calling home when you're able to
    (Chorus)
    Little Brown Man in the Land of the Giants
    Little Brown Man on the White Prairie
    Hold on to your dollars don't go on no
    Shopping spree
    You've got to save it all
    For the family
    3. (same tune as 1st stanza)
    Everything's disposable in the First World
    Nothing's indispensable - you can throw it all away
    Good food in the garbage, good people in the
    welfare line
    It happens all the time
    4. (same tune as 2nd stanza)
    Peaches and apples and grapes don't make it all
    that easy
    Bacon and eggs everyday can get to be a drag
    These fancy slums get cold when the winter comes
    Chills you right to the bone
    and you wish you were home
    (repeat chorus twice)
    You've got save your soul
    For the Family

  8. #118

    Default Re: awit sa kamatouran

    Lupang Hinirang


    Bayang magiliw
    Perlas ng Silanganan,
    Alab ng puso,
    Sa dibdib mo'y buhay.

    Lupang Hinirang,
    Duyan ka ng magiting,
    Sa manlulupig,
    Di ka pasisiil.

    Sa dagat at bundok,
    Sa simoy at sa langit mong bughaw,
    May dilag ang tula
    At awit sa paglayang minamahal.
    Ang kislap ng watawat mo'y
    Tagumpay na nagniningning,
    Ang bituin at araw niya
    Kailan pa ma'y di magdidilim.
    Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
    Buhay ay langit sa piling mo;
    Aming ligaya, na pag may mang-aapi
    Ang mamatay nang dahil sa iyo.

  9. #119

    Default Re: awit sa kamatouran

    Agila ( Haring Ibon) ni Joey Ayala
    1.
    Nais kong lumipad tulad ng agila
    At lumutang-lutang sa hangin
    Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
    Ngunit ito'y panaginip lang
    At maaring di matupad
    2.
    Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
    Mga puno nitoy nangingibang-bayan
    At pag walang puno wala na ring mapupugaran
    Kapag ang agila'y walang pugad
    Wala na siyang dahilang lumipad
    Koro:
    O Haring Ibon, hari kong tunay
    Nais kong tumulong nang kaharian mo'y
    Muling mabuhay
    3.
    Kung nais mong makakita ng agila
    Huwag kang tumingala at tumitig sa langit
    Pagka't ang mga agila nitong ating bayan
    Ang iba'y nabihag na
    Ang natitira'y bihirang magpakita
    Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
    Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
    Sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
    Ang lahi ba nila'y tuluyan nang mawawala
    (balik koro)
    O Haring Ibon, hari kong tunay
    Nais kong tumulong nang kaharian mo'y
    Muling mabuhay......

  10. #120

    Default Re: awit sa kamatouran

    Tapak-tapak nga Pangandoy
    * ni Manny Lapingcao
    * Intro: Da..da..da...etc.
    1.
    Bughaw nga langit, puting panganod
    Sayaw sa hangin gianod-anod
    Akong pangandoy gibanlas sa balod
    Langgam sa dagat, gasuroy -suroy
    Sama kanako nga ma'y pangandoy
    Gustong molupad, gustong maabot ang tanan
    Huna-huna sa tawo kanunay'ng ga-usab
    Sama sa hangin nangitag tubag
    May panahon nga mokusog ang huros
    Panahon huna-huna gipugos
    Hangtud nga mawa' ka na
    Ug 'wa na pud siya
    (Balik Intro)

    2.
    * Ugong sa dyipney sa kadalanan
    * Buto sa pusil sa kabukiran
    * Damgong kalinaw, hain ka na man?
    * Uha sa bata sa sabakan
    * Pahiyom sa nagpangga niyang inahan
    * Mainit nga ngabil, timaan sa pagpangga niya
    * Ang kalinaw sa atong kalibutan
    * Sa kaugalingon mo kini masugdan
    * Isulti lang ang kamatuoran
    * Ayaw kahadlok pagmahal
    * Karon pagsugod na

    ( Koro )
    * Apan nganong 'wa ka man magpakabana
    * Sa palibot mo daghan kulang sa pagpangga
    * Wala ka na ba'y laing gihuna-huna
    * Kaugalingon mo lamang ang imong nakita
    * Ug wala na ba?
    ( balik 1st 4 lines of 1st stanza )
    * Tapak-tapak nga pangandoy
    * Ug mga pagbati ko ( 2x )
    ( balik Intro...then fade )

  11.    Advertisement

Page 12 of 25 FirstFirst ... 2910111213141522 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Replies: 431
    Last Post: 10-09-2015, 05:03 AM
  2. Replies: 97
    Last Post: 07-09-2012, 07:00 PM
  3. Replies: 19
    Last Post: 03-25-2011, 07:00 PM
  4. Replies: 266
    Last Post: 08-22-2010, 10:42 PM
  5. Mga Huni ug Awit sa Taga Cebu!!!!!!!!!!
    By iSTORYA in forum Music & Radio
    Replies: 106
    Last Post: 02-02-2007, 05:14 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top