from
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=21566
read below...
Sibak agad sa pwesto ang 10 miembro ng Task Force Limbas dahil sa paglabas ng isang video footage na nagpapakitang may "overkill" sa engkwentro sa Pasig City nitong Lunes na ikinamatay ng tatlong suspek na carjackers.
Kaagad ding bumuo ng isang fact-finding committee ang Pambansang Pulisya upang imbestigahan ang 10 miembro ng TF Limbas ng Traffic Management Group (TMG).
Nakilala ang mga sinibak na sina Senior Inspectors Henry Cerdon, Hansel Marantan at Samson Belmonte; Police Officers 3 Lloyd Soria at Rizalito Ramos; Police Officers 2 Sonny Robrigado, Jesus Fermin at Dexter Bernadas; at Police Officers 1 Fernando Gapuz at Joscel Rey Lucena.
Matatandaan na si Belmonte ay nabigyan pa ng medalya dahil sa engkuwentro.
Kapwa nabigla sina TMG director Chief Superintendent Augusto Angcanan at Chief Superintendent Leopoldo Bataoil, tagapagsalita ng PNP, nang mapanood nila ang video footage ng UHF television station na UNTV.
Detalyado ang kuha ng sinasabing overkill ng mga tauhan ng Limbas kina Bryan Dulay, Anton Cu-unjieng at Francis Xavier Manzano.
Napaslang ang tatlo matapos ang engkuwentro sa Garnet Road, Ortigas Center, noong Lunes ng gabi.
Hinihinala ng mga pulis na sila ay mga miembro ng bagong tatag na "Valle Verde Guwapings Gang."
Sa video footage, ipinapakitang patay na ang tatlong pasahero ng Nissan Exalta (XDD 82

ay wala pa ring tigil sa pagpapaputok ang mga pulis.
Titingnan ng binuong fact-finding committee kung may nilabag sa rules of engagement ang 10 pulis.
Ayon kay Angcanan, dapat maipaliwanag kung bakit nakapang-sibiyan na damit ang mga pulis at hindi agad dinala sa ospital ang tatlong suspek pagkatapos ng engkuwentro.
Aalamin kung sino sa 10 pulis ang mismong kasama sa overkill.
Tiniyak ng pulisya na walang "whitewash" na magaganap sa imbestigasyon.