This was sent by a friend. I think this will test your faith. This is more interesting than the Da Vinci Code!
What do you think?
![]()
This was sent by a friend. I think this will test your faith. This is more interesting than the Da Vinci Code!
What do you think?
![]()
This is the type of book that makes you understand more about yourself, about other people and about life. It has a philosophy that a lot of people may or may not agree but it is nonetheless a "must read" for those who are committed to claiming their dreams of a peaceful life and harmonious existence under the sky.
I requested the author for a "sample" and this is what he sent me:
ANG PANANAMPALATAYA NI JOB
Sa lahat ng kuwento sa buong Bibliya, isang beses lang tiyakang masasabi na nainggit ang Demonyo sa Diyos. Si Job ang dahilan ng inggit na ito. Nakita agad ng Demonyo na sa lahat ng tao noong panahong iyon ay si Job lang ang hindi kanya. Hindi marunong mag-aksaya ng panahon ang Demonyo. Tinangka niya agad na igupo ang pananampalataya ni Job. Inubos ng Demonyo ang lahat ng kanyang malagim na kapangyarihan sa mortal na si Job. Maigting ang labanan, tunay ang labanan, parehas, walang ibang kakampi ang bawat panig. At nagwagi ang tao. At nagwagi rin ang kanyang Diyos.
Ang uri ng pananampalataya ni Job ang ating papaksain ngayon. Para sa akin, ito ang uri ng pananampalataya na dapat ituro ng lahat ng simbahan. Ito ang tamang pagpapahayag ng nadaramang pananampalataya ng tao sa kanyang Diyos. Isa itong pananampalataya ng taong bukas ang isip, alam ang sinasabi, may tiwala sa kanyang ginagawa, at sinusunod ang utos ng kanyang Diyos.
Ano ba ang kaibahan ng pananampalataya ni Job? Iba ang pananampalataya ni Job sa pananampalataya ng isang taong nauuna pang paniwalaan ang doktrina kaysa sinasabi ng kanyang puso at isip. Iba ito sa taong pilit sinisikil ang itinuturo ng kanyang karanasan sapagkat sinasalungat ng karanasang ito ang itinuturo ng kanyang relihiyon. Iba ito sa taong sa halip na hinugin sa matiyagang pagkukuro ang bawat hilaw na karanasan, isinisilid na lang ito sa lumang tiklis ng mga kinalburong paniniwala. ***** sa halip na malasap ng taong ito ang tamis ng bawat karanasan ng buhay, ito ay nagiging matabang na pang-alis gutom na lamang. Iba nga si Job. Sa buhay niya, patuloy ang kanyang pagsusumikap na makapagdagdag sa mga tamang gawa kung paanong patuloy din ang pagsusumikap niyang iwasan ang bawat mali. Hindi niya kailanman sinayang ang biyayang talino na bigay ng Diyos sa tao. Batid ni Job na mahalaga ang pag-alam ng tama at mali kung gustong makatulong sa sarili at sa kapwa. Binabasa at pinag-aaralan ni Job na tulad ng isang aklat ang kanyang bawat karanasan. Lubhang mahalaga ang buhay para kay Job upang aksayahin lamang ito sa mga bagay na hindi totoo. Iba ang seryosong usapan at iba ang biruan lamang.
Pinatunayan ni Job na hindi totoo na minana ng tao ang kasalanan ng kanyang mga magulang, mula nang magkasala ang mga ninunong sina Eba at Adan. Pinatunayan ni Job na hindi likas ang pagiging makasalanan ng tao. Hindi kakambal ng tao ang kasalanan sa kanyang pagsilang. Kung hindi lang pinagpipilitang baligtarin ng maraming simbahan ang katotohanang ito, matagal na sigurong nakamtan ng tao ang paraiso sa lupa, na siyang pinakaunang layon ng Diyos nang lalangin Niya ang tao.
Sundan natin ang kuwento ni Job. Sa nangyari kay Job, ano ang sinasabi ng lipunan, ng mga pinagpipitaganang tao sa lipunan? Dahil naniniwala nga sila sa sinasabi ng kanilang relihiyon, kahit hindi nila kailanman malalaman ang nalalaman ni Job hinggil sa kadalisayan ng kanyang sariling pagkatao at pananampalataya, hinusgahan nila si Job na makasalanan ding tulad nila. Pero isinuko ba ni Job ang kataimtiman ng kanyang pananampalataya sa pinaniniwalaan ng lipunan na kanyang kinabibilangan? Hindi sumuko si Job.
Narito ang siste! Ang payo ng makasalanang lipunan sa walang kasalanang si Job: “Magsisi ka lang, pare, ay ayos na ang lahat. Tiyak na patatawarin ka ng Diyos. Hindi mo kailangang magtiis, pare ko.” Hindi kayang tanggapin ni Job na ganito lang talaga ang kabuuan ng iskrip sa eksena ng buhay dito sa lupa. Napakatabang! Napakasimple! Walang kalatuy-latoy. Walang ibig sabihin. Ginawa ng Diyos ang tao at ang tao ay naging makasalanan; pero galing sa langit ang Diyos ay pumalupa at nagkatawang-tao, upang tubusin ang tao sa kanyang kasalanan. Hangaan mo ang taong nakarating sa buwan, pero mas hangaan mo ang taong nakatuklas sa sikreto ng Diyos na magliligtas sa ibig maligtas. Narito ang sikreto: sabihin lang ng taong gustong maligtas na nagsisisi siya at sumasampalataya siya sa sinasabi ng kuwento.[1] Ganito lang ba ang buhay ng tao rito sa lupa? Walang kakwenta-kwenta? Sa mga katulad ni Job, hindi ganito lamang ang kahulugan ng buhay dito sa lupa. Kaya nga at sa halip na humingi ng tawad si Job sa kanyang Diyos, ang paghihimagsik na malayang bumubukal sa kanyang kalooban ang nakarating sa kanyang Diyos.
Tingnan natin ang naging konklusyon ng paghihimagsik ni Job sa kanyang Diyos. Sa dakong huli, tinanggap din ni Job na hindi kayang sakupin ng kanyang pagiging tao ang kadakilaan at kahiwagaan ng kanyang Diyos. Hindi niya isinuko ang kanyang kainosentehan sa paratang ng lipunan, pero isinuko rin niya ang kanyang sarili sa anumang kagustuhan ng kanyang Diyos. Tinanggap niya ang limitasyon ng kanyang pagiging tao. Hindi niya kailanman maipaliliwanag at maiintindihan ang plano ng Diyos para sa kahit na sino sa Kanyang nilikha. Sa umpisa ay binanggit ko, na ang lalim, tibay at uri ng pananampalataya ni Job ang dapat ituro ng lahat ng simbahan. Pakinggan naman natin ngayon ang sinasabi ng Bibliya:
Matapos makipag-usap ang Diyos kay Job ay pinagsabihan Niya si Eliphaz, “Galit ako sa iyo at sa dalawang kaibigan mo, dahil ang inyong mga pananalita tungkol sa Akin ay hindi kasintotoo ng mga pananalita ni Job.” Job 42:7
Kung ang Diyos ni Job ay kapareho rin ng Diyos ng mga simbahang Kristiyano, bakit sa loob ng maraming dantaon ay hindi ang uri ng pananampalataya ni Job ang kanilang pagsumikapang ituro at ipakita sa mga tao? Kung sina Eliphaz, Bildad, at Zophar ang mga kumakatawan sa mga maling pagkilala sa Diyos at maling pananampalataya, bakit patuloy pa ring kinukunsinti ng mga simbahang Kristiyano ang kaisipang ito ng mga tao? Mahirap makahuli ng matatas na pananalita sa buong Bibliya. Pero kung ito ay tunay na salita ng Diyos, ang bersong Job 42:7 ay isa na sa pinakamatatas na sinalita ng Diyos.[2] Si Job ay isang napakaordinaryong tao. Ngunit pinatunayan niya na ang pagiging dakila ay kayang pagsumikapan ng isang ordinaryong tao sa pamamagitan ng pagiging matapat sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa, at sa kanyang Diyos. Hindi kinasiyahan si Job ng karunungang bumasa ng panaginip na katulad ni Joseph, hindi rin siya binigyan ng mga milagrosang pangitain na tulad ng mga propeta, pero si Job ang kasingkahulugan ng tunay na pananampalataya ng tao sa kanyang Diyos. Si Job ay galing din kay Eba at Adan. At si Job ay si Job bago pa isilang ni Maria ang dakila niyang anak na si Hesus.
[1] Naglalakihang mga simbahan ang naipatayo ng sikretong ito. Sino nga ba ang hindi bibili ng sikretong ito? Puwede kang maging Diyos sa buong buhay mo dito sa lupa; basta sa 30 segundo bago mamatay, magsisi ka lang at maniwala sa sinasabi ng kuwento ay sa langit ka na magigising sa piling ng mga anghel.
[2] Dahil sa inspirasyong ibinigay sa akin ng aklat ni Job, ito ay aking isinalin sa Pilipino. Kung ibig po ninyong makakuha ng kopya, bisitahin lang po ang aking e-mail address: vicm23tda@yahoo.com o kaya ay magpadala po lamang ng selyadong sobre at ipadala sa address na makikita sa hulihan ng Paunang Salita. Ipinauunawa ko lang po na hindi otorisado at hindi kinikilala ng simbahang Kristiyano ang aking pagsasalin.
Similar Threads |
|