It seems to me that U guys have veered away from the main topic. Although, I still can relate to its parallelism.
Isang Pagsubok sa Pagsukat ng Kabayanihan ni Rachelle Mae Palang
PUBLISHED ON October 4, 2008 AT 6:24 PM
*1986-2008*
NI E. SAN JUAN, JR.
Isang Pagsubok sa Pagsukat ng Kabayanihan ni Rachelle Mae Palang – Bulatlat
Dalawampu’t dalawang taong tinipon ang lakas at binigkis ang diwa
Dalawampu’t dalawang bigwas sa nguso ng imperyalismo
Dalawampu’t dalawang bira sa ngipin ng berdugong militar
Dalawampu’t dalawang dagok sa kilabot ng teroristang Estado
Dalawampu’t dalawang hampas sa kuko ng burokrata-kapitalistang alipuris
Dalawampu’t dalawang suntok sa sikmura ng sakim na komprador
Dalawampu’t dalawang buntal sa pusod ng panginoong may-lupa
Dalawampu’t dalawang palo sa puwit ng pasistang Arroyo
Dalawampu’t dalawang igkas at bitiw ng walang-takdang kabayanihan
Dalawampu’t tatlong…. dalawampu’t siyam….Siyaman…..Ikaw naman….