Since tagalog ang mga paratang mo sa amin, ay tagalog din kitang sasagutin.
Papaano naman ang pagtrato mo sa mga miyembro ng forum na ito? At ang paggawa mo ng walang katapusang threads tungkol kay GMA at sa isang issue na wala pang linaw?
Para sa kaalaman ng lahat, LAHAT ng moderators at ang ibang admins ay nagsimula bilang ordinaryong miyembro ng forum, kaya alam namin ang pakiramdam ng isang miyembro na ma-lock ang thread. Totoong minsan ay para kaming mga gurong may dalang pamalo at minsan din ay ginagamit namin ito para ipaalala sa ibang miyembro na respetuhin ang rules and regulations ng forum at bigyan ng kaukulang respeto ang mga miyembro.
Oo at masakit ang masara ang thread na binigyan ng kaukulang panahon at pinagisipan. Pero bilang moderator ay trabaho namin na ayusin ang forum at ang threads para sa mas nakakarami. Sa dinami-dami ng threads na Anti-GMA at Pro-GMA, ay naisip namin na dapat nang pagsamahin ang mga ito para bigyan lugar ang ibang pang mga issue na nasa politics and current events. Isa pa ay nakatanggap na rin kami ng mga reklamo sa pagkalat ng threads na halos pare-pareho ang laman, ang isip at ang mungkahi.
Para pagbintangan mo kaming "unfair" ay dapat siguro ay pagisipan mo muna ng mabuti ang mga ginawa namin dito sa Politics and Current Events.
........... Kung ikaw nga ay isang tagalog, malamang ay alam mo na ilan ng threads na ang isinira namin dahil ang ilang tao sa thread ay personalang inaatake mga Tagalog, kahit na mga personal na kakilala ko, tulad ni arnelmation, ay pinagsabihan ko tungkol dito.
............May ilang threads din na lantarang sumosuporta sa CPP-NPA, na muntik muntikan nang i-ban ay ipinagtanggol pa din ng mga moderators dahil sa paniniwala sa freedom of expression.
............Ang moderator na nagkamali ng desisyon ay pinagsasabihan tulad ng isang miyembro kung sya ay makitang nagkasala.
............Ang mga moderator na boluntaryong tumutulong at pinapangalagaan ang forum na ito na walang inaantay na kabayaran ay laging napapagbintangan na hindi patas, minumura at kung minsan ay pinagbabantaan ng halos ARAW-ARAW.
iyan ba ang pagiging unfair?
Ang paglock ay malaki ang pagkakaiba sa pagmerge ng mga threads. Ang threads na pinagsamasama ay hinahayaan pang mabuhay ang usapan tungkol sa iisang paksa. Bagama't iba't ibang isyu ang tinatalakay ay kung babasahing mabuti ang takbo ng usapan at takbo ng isyu ay iisa ang paksa; si PGMA, ang Gloriagate CD at ang pandadaya daw nya sa eleksyon.
Hindi ba't mas maliliwanagan ang isang miyembro kung ang lahat ng isyu at mga sagot sa isyu ay mababasa?
Hindi lang sa iisang miyembro ang dapat pagtuunan namin ng pansin. Ang mga desisyon namin tulad ng paglock, pagmerge at pagtanggal ng isang thread ay para sa mas nakakarami.
Salamat.