Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 30
  1. #1

    Default "Di ta guae yong khee"


    Nag-aaral ako sa La Salle.
    >
    >
    > Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go,
    > Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay
    > Gilbert Go ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari
    > pa, madalas siya ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.
    >
    >
    > Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa
    > pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron
    > din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak.
    >
    >
    > Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko
    > maintindihan.
    >
    >
    > Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi.
    > Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang
    > inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital.
    > Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ng kanyang ama para ilapag
    > ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng magbabantay sa
    > ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay biglang nangisay ang
    > matanda.
    >
    >
    > Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang kanyang palad
    > at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko
    > maintindihan.
    >
    > "Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"... "Di ta guae
    > yong khee".. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng
    > hininga.
    >
    >
    > Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya
    > ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na
    > ang kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit
    > iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.
    >
    >
    > Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang
    > kanyang mga kamag-anak.
    >
    >
    > Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang
    > iba pa naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil
    > marunong si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig
    > sabihin ng "Di ta guae yong khee".
    >
    >
    > "Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba narinig
    > 'yan?".

  2. #2

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    tuwiwiwiwiwiiwng

  3. #3

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    haha tooo late!!

  4. #4

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    looi kaayo ang intsik...

  5. #5

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    hala! ikaw ang killer..hehehehhehe

  6. #6

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    ikaw ang nag tunob sa iyang oxygen my... heheheh

  7. #7

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    tsk tsk tsk.. hehe. nice one!

  8. #8

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    hala kalooy...

  9. #9

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    Quote Originally Posted by daspark
    ikaw ang nag tunob sa iyang oxygen my... heheheh
    ahhhh, walay OT diri

  10. #10

    Default Re: "Di ta guae yong khee"

    hahahaha good!

  11.    Advertisement

Page 1 of 3 123 LastLast

Similar Threads

 
  1. Identify Movies By Their Quotes
    By 8_cRawlin_baby_8 in forum TV's & Movies
    Replies: 3457
    Last Post: 01-30-2020, 08:36 AM
  2. Quotable quotes and sources~
    By koto in forum Arts & Literature
    Replies: 864
    Last Post: 11-02-2012, 06:36 PM
  3. Break Up quotes
    By boliklik in forum "Love is..."
    Replies: 132
    Last Post: 05-27-2010, 07:09 PM
  4. Replies: 12
    Last Post: 04-27-2009, 01:39 PM
  5. Replies: 7
    Last Post: 05-05-2007, 11:27 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top