Page 5 of 5 FirstFirst ... 2345
Results 41 to 47 of 47

Thread: Pinoy blonde

  1. #41

    Default Re: Pinoy blonde


    really eh?! i had a feeling...

  2. #42
    Junior Member
    Join Date
    Dec 2004
    Gender
    Female
    Posts
    421

    Default Re: Pinoy blonde

    mmmmkay... so i've seen the movie. enjoyed it.

    yeah, it's not another pinoy movie but i didn't really expect it to be aping quentin tarantino's styles...

    like it nonetheless. i adore the soundtrack.

  3. #43

    Default Re: Pinoy blonde

    here's a more accurate description of what I think about the movie.

    TABI-TABI PO, PO TABI-TABI
    ni ABET UMIL


    PINOY BLONDE
    Direksyon ni Peque Gallaga;
    Iskrip nina Lore Reyes at Peque Gallaga;
    Ginampanan nila Epi Quizon, Boy 2 Quizon, Jimmy Fabregas, Ricky
    Davao, Izza Calzado at iba pang mga aktor/aktres na karaniwang
    napanonood sa mga sitcom at soap opera;
    Prinodyus ni Tony Gloria para sa Uni-Tel

    "Iyang pagpalit ng kulay
    Ng buhok na parang buhay,
    Tugma ba sa inasahang
    Paggaan ng pakiramdam
    Sa bagong itsurang hiram?"

    bahagi ng isang satirikong pasyon na sinulat ko—Wala nang Bago sa
    Mundo.

    "Pinul awt na, wala kasing nanonood," sabi ng takilyera sa sinehan ng
    isang mall sa Alabang na unang pinuntahan namin. Medyo nagkainitan
    nang sabihin ni misis na, "tanggalin n'yo na kasi `yong banner."
    Isplit agad kami papuntang mall sa Las Piñas na katamtaman lang ang
    presyo ng sine. Nang makita namin sa matrix ng dyip na parang P16.00
    na `yong dating P6.00 na pamasahe, bumaba kami. Nakuwenta naming
    pareho lang ang gagastusin at matitipid, pati ang pagod, kung di na
    kami lalayo kahit mahal ang sine sa isa pang mall na lakad lang ang
    agwat. Sakto, may Pinoy Blonde. Salamat at ihahasa ulit ng big screen
    ang hilig ko sa sine. Maliban sa bihirang magawa na namin `to ni
    misis, may pakiramdam akong ngayon ang tamang tiyempo para sundan na
    ang dalawang serye yata ng Shake, Rattle & Roll ang huling napanood
    kong pelikula ni Peque Gallaga. Sa pagkaalala ko, kanya rin yata ang
    Virigin Forest na napanood ko sa isang sinehan sa Cubao. Ang Oro,
    Plata, Mata, e, di ko pa rin nabubuo sa TV. At sa betamax format ko
    lang napanood ang Scorpio Nights.
    Ang Pinoy Blonde ay kuwento ng magsanpit na Andrew (Boy 2,)
    mamula-mula ang kulay ng hokbu, at Conrad (Epi) Cunanan, kuntodo
    blonde. Pareho silang mahilig sa pelikula. Nahayag ito sa pamamagitan
    ng mga diyalogo. Lahat ng sabihing may kinalaman sa pananaw sa
    daigdig at pilosopiya sa buhay ay po tabi-tabi nila sa mga pelikulang
    napanood. Siyempre, lahat ay Hollywood. Alangan mang pelikulang Zhang
    Yimou o Wong Kar Wai ng nagbabangayang mainland at probinsya ng
    Tsina. "Elitista/pa-artist" na kung mababanggit pa si Akira Kurosawa
    ng Japan, ang inspirasyon ni George Lucas sa mga serye ng Star Wars.
    At labas na ang tatlong maestrong ito sa konsepto.
    Sina Andrew at Conrad ay nangangarap na maging filmmaker. Kaya lang
    ay mga balagoong ng mga tiyuhin (Mark Gil at Michael de Mesa.)
    Pahiwatig na purdoy ang mga magulang nila. Sari-saring malulutong na
    mura ang idinadakdak ng mga tiyuhin. Siyempre, ganundin si Conrad. Na
    madalas bumigay sa pagnanasa niya sa iba pang gerls bukod sa gelpren
    (Calzado).
    Tumakbo ang istorya nang utusan ng naghihingalong tiyuhin (Gil) ang
    paboritong pamangkin—Andrew. `Pinadadala sa kanya ang isang pakete sa
    isang tagpuan. Kabilin-bilinang iwanan ang pakete at saka tanggapin
    ang kapalit na ibibigay ng kung sinomang madadatnan doon. Dahil close
    ang magsanpit, na parang direktor at sinematograpo, sumama na
    rin `tong si Conrad. Dagdag pa ang mga katangiang pagkamaurirat at
    pagkabibo, sila ay cool din pareho, kaya nagpa-blonde?
    Isang abandonado, nanggigitata at may ilang palapag na bilding ng
    dating hotel ang adres na kanilang napadparan. Nauna sila sa mga
    katagpo. Habang ginagalugad ang lugar, malalaman ni Conrad mula sa
    rekord ng pregnancy test, na ibinulsa niya pagkaabot ng gelpren sa
    bungad ng istorya, na magiging erpat na siya. Unti-unti silang
    kinilabutan sa datÃ*ng ng atmosphere na gumatong sa pagiging cool ng
    isa't isa. Kaya naman nang magsidatingan ang hinihintay, kumaripas
    sila para magtago. Mula sa isang sulok, naririnig nila ang
    biyolenteng nangyayari. Pagtahimik ay nalantad ang dalawang bangkay
    na tuluyang nakapagpakulo ng pagiging cool nila. Takot sila sa mga
    buháy kaya di nagsilabas agad. Kinabukasan, nagsibalik ang grupo ng
    druglord, kaya, basyo sila.
    May fetish sa paa ng lalaki ang lider ng grupo, (Fabregas.)
    Pinagdiskitahan niya at malambing na minasahe sa talampakan si
    Andrew. Mahahayag pang taga-UP ang kanang kamay na naka-amerikana,
    (Davao.) Nang mag-urirat, nabanggit niya kay Conrad na mahilig din
    siya sa pelikula kaya may saglit na nagkapalagayang-loob sila. Pero
    ang sindikato ay nabubuhay sa pamamagitan ng "pasismo," kaya
    natagilid ang buhay ng mga bida.
    Paano na ang pagiging ama ni Conrad, mailulugar na ba niya ang
    pagnanasa, ligtas kayang maiuwi ang kanya-kanyang buhay at may
    suwerte pang mabitbit na magiging susi ng katuparan ng pagka-
    filmmaker ng magsanpit?
    Maraming sariwang presentasyon na ipinakita ang Pinoy Blonde. Ang
    realidad ng sigasig ng mga Pinoy na nagsisimulang filmmaker/artist na
    kargado ng problemang bagong colonial mentality—Hollywoodisasyon ay
    halos kasabay rin ng pagsulpot ng pelikula sa bansa. Mukhang may mga
    nauna nang nagsapelikula ng ganitong tema. Ibang klaseng artist nga
    lang ang bida. Pero kahit di pa pinapalitan ang mga saligang
    lengguwahe ng pelikula, napunan ito ni Gallaga ng mga bagong
    diskarte. Hindi pa natutuyuan kaya pinatutunayan nitong normal pa ang
    daloy ng creative juice ng mama. Halatadong produktibo ang resulta ng
    tamabalan nila ni Reyes.
    Tahasang satiriko ang iskrip. Kahit may mga partikular na eksenang
    parang nagpapakita ng katangian ng black comedy, ang kabuuan nito ay
    hindi. At isa ang genre mismo sa kagandahan ng pelikulang `to. May
    mga bahagi ngang mahahaba ang diyalogo. Pero nasalo ng mga animated
    na cutaways. Di gaya ng mga umaakong independent film na (black)
    comedy raw na ipinalabas nitong mga nakaraan, sa kabuuan ay
    pinagtatawanan at sinasamantala lang ang kahirapan sa buhay ng mga
    karakter. Parang nadisgrasya na nga, iniinsulto pa. Ganyan ang
    karaniwang ekspresyon ng mga filmmaker na may punto de bistang
    burgis. Kaya ang kinalalabasan tuloy ng pelikula nila ay cynical at
    anarkista lang.
    Pero iba nga itong Pinoy Blonde. Nasa lugar ang humor. Hindi below
    the belt. Tapat ang pagiging satiriko. Ang pinagtatawanan dito ay ang
    mundo ng magsanpit. Isang mundong binubuo ng pamilyang yumaman dahil
    sa iligal na paraan—ang pagiging druglord. Isang kalakarang
    nagsimulang maging lehitimo nang maging "pasista" si Marcos. Isang
    sistemang ngumatngat sa moralidad maging ng mga senador na
    kumukolekta ng komisyon sa sindikato.
    Ang alaskahan nina Andrew at Conrad tungkol sa kakornihan at kawalan
    ng puso ng mga paborito nilang mga Pinoy na direktor na sina Lino
    Brocka at Ishmael Bernal ang mapagkakamalang matingkad na elemento ng
    black comedy. Pero pagdating sa ending, ang lahat ng diyalogo ng mga
    pelikulang Hollywood na pinupo tabi-tabi, o naging kaibang takbo ng
    utak nila ay babaklasin ng suwerteng mabibitbit pauwi. Mahahalata sa
    puntong ito na ang Pinoy Blonde ay tabi-tabi po nina Gallaga at Reyes
    kina Brocka at Bernal. Ang tabi-tabi po sa kultura natin ay
    pagbibigay respeto sa ispiritu ng mga di nakikitang buhay sa daigdig.
    Samantalang ang po tabi-tabi ay may epek na patawiwi.
    Tatak lagi ng pelikulang Gallaga ang mahusay na timpla ng liwanag at
    dilim. Gaano man kaliit na detalye sa disenyo ng produksyon ay
    tumitingkad tuloy. Naging paboritong eksena ko ang bit role ni Roxlee
    (kumusta na Rox?!) sa punerarya. Simpleng simpleng naipakita dito
    ang desensitized na kultura sa gitna ng chaotic na lipunang Pinoy.
    Parang sinasabing, "eto ang epekto ng pasismo," damay/aksidente at
    sadya man ang pambibiktima.
    Masarap sa mata ang paggamit ng splitscreen. Nabago nito ang
    mahuhulaan nang over the shoulder na kuha at pagsalo sa POV ng
    magkaeksena. Swak na swak ang treatment sa buong konsepto. Dagdag pa
    ang in na musikang bumagay sa panahon, katangian, itsura ng
    magsanpit.
    Pinakaultimong manipesto ng mahusay na direksyon ang balansehan ng
    enerhiya ng pagganap ng mga aktor. Hindi ko lang maintindihan ang
    mataas na boses ng dalawang Quizon sa bilding kahit naipalagay na sa
    isip ng manonood na parang andun na rin ang grupo ng mga druglord.
    Parang naglalaro lang ang magsanpit, na magtiyuhin sa totoong buhay.
    Konting konti na ang bakas ng Dolphy mannerism ni Epi. Di ko alam
    kung problema ko `to bilang manonood na nakaaalam na mag-ama ang
    dalawa. Siguradong walang ganitong asiwa ang manonood na walang ideya
    sa talaytay ng dugo nina Epi at Dolphy, at ni Boy 2. Isa rin ito sa
    perpektong casting. Da best pati ang mga suportang aktor. Malulunod
    sa sarap ang mahihilig magpaka-starstruck. Parang nagkita-kita ulit
    ang barkadahang Champoy minus Subas Herrero. Mararamdaman din ang
    ningning ng powers ni Tony Gloria.
    Naalala ko naman sa papel ni Davao ang isang magandang dalagang
    kaibigan na degree holder ng prestihiyosong kurso sa UP. Gumradweyt
    siya sa tulong ng saydlayn na drug pushing ng malalakas ang amats na
    iligal na droga. Nagpatuloy siya sa aktibismo at lider na siya ngayon
    ng isang NGO. Kabaligtaran man ng naging disposisyon ng karakter ni
    Davao, 50% ang pagkakahawig nito sa tunay na buhay ng kaibigan ko.
    Mga beterano sa industriya ang makinarya ng Pinoy Blonde. Kaya naman
    mukhang minani lang ang hataw ng produksyon. Kung palpak ang
    kinalabasan nito, `yon ang balita. Pero ang makukuhang impresyon ay
    madugo ang dinaanang development. Mahirap kasing pag-isipan kung
    paano magiging orihinal ang spoof. Para kapag nadisyunan na, madugong
    masarap. Ay, ano ba'yon, pasismo? Hindi, first night siguro. S'yet.
    Ang ibig kong sabihin, Peque talaga ang alagad ng sining na si
    Gallaga, hindi Peke. Kahit ang ipinangalang Salonpas sa karakter ni
    Noel Trinidad ay kumukutya sa tapal-tapal lang na solusyong
    inilalapat ng mga upisyal ng gobyerno sa malalang problema. Isang
    malaking kahunghangan na parang inilalatigo sa ating mamamayan habang
    lahat tayo ay mga biktimang sabay-sabay na humahalinghing.
    Maaaring kapag `pinalabas sa abrod, at sa mga nakapanood na ng mga
    pelikulang Tarantino, e, malamang na masabing gaya-gaya, puto-maya
    ang pelikulang `to. Sa tingin ko, e, intensyon kasi ng konsepto na
    pati sa aspektong teknikal ay maibalangkas din ang colonial
    mentality. E, ano ba naman ang (Neo-)kolonyalismong US sa Mexico at
    Plipinas? O sa buong mundo? Pero sinasabi rin ng Pinoy Blonde na
    gaano man kalala ang angas ng magsanpit sa mga tiyuhin nila, gaano
    man kamiserable ang karanasan nila sa lumang bilding, ang sining o
    pelikula ay nakapagpapalaya ng katinuan.
    At kapag tiningnan ang magsanpit bilang representasyon ng bagong
    henerasyon ng nagsisimulang mga alagad ng sining, at ang mga tiyuhin,
    druglord, senador at ang lumang bilding bilang mga representasyon ng
    tiwaling awtoridad, upisyal at bulok na estado ng Pilipinas, sa
    dinami-dami ng problemang ibinibigay ng gobyerno sa mamamayan,
    sinasabi pa ng Pinoy Blonde na ang sining o pelikula ay isang uri
    lang sa maraming klase ng gamot na makalulunas sa desensitisadong
    balat at nervous system nating mga Pinoy.
    Nakalulungkot nga lang na ang desensitasyong ito ay nagmanipesto sa
    takilya. Sabi pa ng takilyerang pumunit ng tiket bago kami
    makapasok, "kahapon nga sa Ayala, first day-last day e." Indikasyon
    na ang manonood ay nahuhumaling pa sa sado-masokismo. (Sige, ihataw
    pa ninyo ang latigo!) Kung ganun, ang problema (ng pagtangkilik) sa
    industriya ng pelikulang Pinoy ay makababawi lang habang nalulunasan
    ang kabulukan ng lipunan natin.
    Ganumpaman, dahil sa tema nito, ang Pinoy Blonde at si Peque ay mas
    indie pa kaysa mga ngumangakngak na indie ang pelikula nila. Tabi-
    tabi po, po tabi-tabi.

  4. #44

    Default Re: Pinoy blonde

    that has got to be the longest review for a film that I have read.

  5. #45

    Default Re: Pinoy blonde

    well.. that the longest film review i've read in the Filipino language

  6. #46

    Default Re: Pinoy blonde

    ataka wa man gi extend! so wala ni click diri ang film? wa pa ko kita!

    Trust me, its NOT because this is a Pinoy film. it's because i'm broke wa pa ko kita. I even wanted to watch FANTASTIC 4 because of the alledged underwear scene of Jessica Alba, but for the same reason I haven't seen it.

  7. #47

    Default Re: Pinoy blonde

    naa sa sm...
    babae, blonde ug buhok,,,
    kuyog ug kano., pislat kau ug nawong

  8.    Advertisement

Page 5 of 5 FirstFirst ... 2345

Similar Threads

 
  1. POST your CUTEST PINOY BABY PIC!
    By mnpesiao in forum Photography
    Replies: 1161
    Last Post: 06-18-2015, 07:00 AM
  2. Hu Rocks? Hu Sucks? D Pinoy Underground scene
    By Tybalt in forum Music & Radio
    Replies: 121
    Last Post: 03-27-2010, 03:21 PM
  3. May Pag-asa pa ba ang Kabataang Pinoy?
    By rcadism in forum General Discussions
    Replies: 42
    Last Post: 05-24-2009, 07:32 AM
  4. Replies: 1
    Last Post: 08-30-2006, 12:53 PM
  5. Pinoy Rock
    By Arwen in forum Music & Radio
    Replies: 95
    Last Post: 02-09-2006, 07:45 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top