Dear Madam President,
Please resign na po. Kung mahal mo ang sambayanang Pilipino i dapat siguro isakripisyo mo na ang pansariling mong interes. Nawawala na po ng tiwala ang mamamayang Pilipino sa iyong kakayahang mamuno sa amin sa susunod pang mga taon.
Npaka seryoso po ng allegasyon na ibainato po sa inyo. At hanggang ngayon wala pa pong malinaw na katwiran ang ibinigay ng yong kamag-anak patungkol po sa jueteng.
Sobra na pong naghihirap ang taumbayan sa mga desisyon mong kontra mamamayan. Ang EVAT, ang pagbulusok ng presyo nga mga bilihin ata ang pagkitil po ng karapatang pantao sa iyong administrayon at sangkaterbang corapsyon na nangyari sa iyong pamahalaan.
Hindi na po ito madadala ng mga pansamantalang lunas na pag kukumusta ug papa photo ops ata anu pang pa cute cute na gagawin ninyo.
Pagod na pagod na po ang taumbayan sa mga boladas at mga pangako mong hindi natutupad. Pagod na po sila sa iyong mga kasinungalingan.
Hindi ko po nais na magkagulo ang bayan natin. Hindi ko po gustong tuluyan na tayong magkawatak watak. Ayaw ko rin po ng kudeta dahil maraming kababayan natin ang mamamatay. Please lang po maawa na po kayo sa bayan natin. Ang iyo pong pag resign ang natitirang pag asa para tayo umahon at magpatuloy sa pagiging maunlad at mapayapang bayan.
Wala na po kayong moral ascendancy na mamuno sa amin. Kaya po para sa ika bubuti ng lahat mag bitiw na lang po kayo. Resign na po, kung mahal mo ang bayan natin.
Sa iyo pumupugay,
dawn runner



Reply With Quote
nyahahahehe...
