nog hatage sad tawon og tubig ng mga tawo dha kay basin matuk-an na sa imung dagway.
![]()
Posted on Cynthia Patag's FB
================================================== ===============
Dear Mr. Binay,
Sabi ng latest paid Ad ninyo "Bakit kung sino pa yung Nognog, Pandak yun pa yung nagpa-aral nang libre sa libu-libong bata at nagbigay ng libreng gamot sa libu-libong Senior Citizens sa Makati?"
Mawalang-galang na po - bakit po hanggang ngayon yung Makati pa din ang benchmark nyo sa mga nagawa ninyo, e, samantalang 6 years kayong naging second top-ranking official ng Pilipinas? Na-replicate nyo po ba ang nagawa nyo sa Makati sa kahit isang syudad man lang? Baka po hindi ko lang namalayan. Sana isali nyo din sa ibinibida nyo sa mga ad nyo.
Wala naman po kaming pakialam kung ulikba man kayo o unano. Mukha po atang nasaktan kayo doon sa pangungutya sa inyo. Pero, huwag nyong intindihin yun, di naman yun ang pinakamatinding kapintasan nyo, madami pa. Hayaan nyo na lang sila.
Ang tanong ko po talaga ay, ANO BA ANG NAGAWA NINYO AS VICE-PRESIDENT? Makati lang po ba ang kaya ninyong paunlarin? (Kung tutoo na kayo nga ang nagpaunlad sa Makati.) Bakit po kami magtitiwala na may magagawa kayo para sa Pilipinas? Ang gusto nyo lang atang ma-replicate ay yung kinita nyo sa Makati na bilyon-bilyon kuno.
Mr. Binay, ang pagiging Pangulo po ay RESPONSIBILIDAD, hindi OPORTUNIDAD. Ang Pilipinas ay pangangalagaan, hindi pagkakakitaan.
Pero ako'y tunay na humahanga sa inyong MATIBAY NA PANINIWALA AT PANININDIGAN - sa sarili mong mga KASINUNGALINGAN.
Lubos na umaasang hindi ka manalo,
SAMBAYANANG PILIPINO
Similar Threads |
|