Hello! Obviously noob ako sa site na ito, pero sa simula't simula pa lamang ginaganahan na ako sa pinapagusapan niyo rito. Sana hayaan niyo akong ipahiwatig ang sarili kong mungkahi sa paksa niyo.
Aaminin ko sa simula't simula pa lamang na wala ako masyadong alam sa pinapagusapan niyo. Ako ma'y kakasimula lamang sa pagaaral ng kali/eskirma/arnis [estudyante ako nina pauwiks at lone wolf]. Ngunit ang maisasabi ko lamang sa bagay na yan ay kahit ano pa man ang pangalan ng pinapag-aralan natin, ang mahalaga'y sariling atin ito't dapat nating alamin at palagiun ito. Sana naman sa puntong ito magkaintindihan tayong lahat.
Mabuhay ang Pilipinas!



Balik lang ko did2 para work.
