Wanted to share this here, hoping makamata nang mga minions ni ABNoy. Gikan ni sa taga Tacloban jud mismo
Dear Noynoy
Una sa lahat "F**K YOU!!!" sabi mo sa SONA mo mabilis ang pagsaklolo mo sa mga Yolanda victims? Bakit may massive looting? Bago ang Yolanda may trabaho ako sa Tacloban. Galing sa sariling kong pawis ang pagkain na inihahanda para sa pamilya ko at hindi galing sa nakaw, pero dahil sa mabagal na pagtulong ng gobyerno napilitan kaming maglooting dahil sa takot mamatay sa gutom,uhaw o impeksyon mula sa mga sugat namin. Nilunok namin ang prinsipyo, dangal at pangalan namin makakain lang. Hayop ka wag na wag mong masabing may tulong agad na dumating. I was there tatlong araw as in three days bago kami nakatikim ng relief good at hindi galing sa gobyerno yun. Galing sa isang foreign organization pa ang unang relief goods na natikman namin.
Pagkatapos dadating ang mga tao mo para tutulong daw pero iinsultuhin lang kami habang nakapila. Sabi ng magaling mong tauhan "Bakit nagmamadali kayo sa relief goods? Diba naglooting kayo" Bakit ginusto ba namin magnakaw? Ginusto ba naming makipagsiksikan sa madilim na tindahan, matapakan, matulak, masugatan para lang may makuhang pang tawid gutom? Hayop ka Soliman.
At Mr Palengke isa ka pang pakitang tao. Hindi mo nga masagot ng maayos ang tanong ng foreign journalist kung bakit marami pa ring patay sa daan. Tinatago n'yo pa ang tunay na dami ng namatay. Hayop kayo mga tao yun. Mga kapwa naming waray, kapamilya o kaibigan. Isama mo sila sa bilang dahil hindi mga hayop ang mga yun. At ung partner mo na si Abnoy pupunta lang para magpapicture sa gaisano. Pati pagtulong hinahaluan n'yo ng pulitika.
Yung ninakaw namin para sa pamilya namin yun na ginugutom dahil sa bilis ng tulong ninyo nasobrahan ata sa bilis kasi di namin naramdaman. Pero kayo milyon na ata ang nanakaw o pinamimigaw na nakaw sa iba para lang sa kapricho n'yo at nila.
Sa mga nagtatanggol kay AbNoy maswerte lang kayo at hindi n'yo naranasan ang hirap namin para lang mabuhay pagkatapos ng Yolanda, pagkatapos mawalan ng tirahan,gamit,kamag-anak at kaibigan. Napaluha ako ngayon dahil naalala ko ang takot sa mata ng mama ko, pagod ng papa ko, ang sakripisyo na ginawa ng bunso kong kapatid at ang hirap, pagod, sakit, gutom, uhaw at minsan ay kawalang pag-asa sa mga kapwa kong waray na nakakasalubong ko sa daan.