Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. #1

    Exclamation Liham ni Yolanda




    Dear Pilipinas,

    Ako si Yolanda. Oo ako ang bagyong pumatay sa libo ninyong mga kababayan. Pasensiya na.

    Marami ang nagalit sa akin dahil sa naidulot kong lakas ng hangin at pagtaas ng tubig sa kalupaan. Maliban sa buhay ng mga tao, hindi ko pinalampas ang kanilang mga pag-aari at buhay. Ako rin ang magiging dahilan ng paglamig ng inyong pasko at bagong taon. Lamig na hindi lamang dulot ng hangin kundi pati ng ala-alang hindi naisamang inanod pabalik sa dagat.

    Ako si Yolanda at pinili ko ang Pilipinas hindi dahil sa kayo ay malakas. Lalong hindi rin ako binayaran ng mga politikong magnanakaw para malihis ang inyong atensiyon sa kanila. Hindi totoong nagbayad sila sa Weather Manipulation Center at nagbayad ng milyong dolyar para manalasa ako sa inyong bansa. Pinili ko kayo sa isang dahilan. Dahilan na tiyak ay hindi pa ninyo mauunawaan sa ngayon.

    Gusto kong ipakita sa inyo ang kahalagahan ng pera. Alam niyo ba na sa isang iglap ay nawawala ang halaga ng pera? Oo, walang halaga ang pera. Ang pera ay papel o barya lang na pwedeng mapunit, masunog at mabasa. Abalang-abala ang karamihan sa paghahanap buhay at ang ilan, sa pagnanakaw at panloloko ng kapwa. Hindi ka bubusugin at tatanggalan ng uhaw ng pera mo. Hindi ka isasalba at ililigtas ng pera mo. Ang magliligtas sayo ay ang pakikipagkapwa mo, pagiging handa mo at pagiging masunurin mo.

    Kung sumunod kayo sa sinabi ng barangay tanod niyo na lumikas na, bahay niyo lang sana ang kinuha ko at hindi kasama ang buong pamilya mo.

    Kung naging handa ka at nanood ng balita at hindi ang inaabangan mong teleserye ay nakapag-imbak ka siguro ng maraming pagkain at tubig na maiinom.

    Kung mabait ka sa kapwa mo, kahit nanonood ka ng teleserye ay sasabihan ka nila at kakatukin sa pagkakatulog para lang mailikas ka.

    Ako si Yolanda at ang paborito kong laro ay ang Blame Game.

    Si P-Noy ang may kasalanan dahil wala siyang ginawa!

    Si Binay ang may kasalanan sa pagkadelay ng relief goods dahil nagpagawa pa ng plastic na may pangalan niya!

    Si Mar Roxas ang may kasalanan dahil ambagal niyang kumilos!

    Si Korina niloloko tayo sa imbento niyang kuwento!

    Si Anderson Cooper gawa-gawa ng kwento!

    Si Henares ang dahilan kung bakit nadelay ang tulong ng international community!

    Si Napoles ang may kasalanan dahil ang lahat ay abala sa panonood ng trial niya at hindi tuloy nakapaghanda ang iba!

    Ito talaga ang paborito kong laro. Ang sarap makita ang karamihan sa inyo na nagbabatuhan ng masasakit at mababahong pananalita. Hindi niyo alam ngayon kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. Hindi niyo alam kung sino ang papanigan dahil ang bawat panig ay mukhang totoo ang sinasabi. Ang pangulo niyo ay napapakamot ng puyo niya sa ulo tuwing siya ang ginigisa. Hindi niya alam kung paano itatawid ang mga relief goods papunta sa mga nangangailangan. Kulang ang sasakyang pandagat, panghimpapawirin at panglupa. Pinilay ko kayo sa isang iglap upang ipamukha ang ginagawa ng mga politikong nanalo sa daya at ang mga taong binebenta ang kanilang boto.

    Alalahanin ninyo ako at isulat sa libro ng history.

    Dahil sa akin, marami ang tulong na dumagsa mula sa iba’t ibang bansa. Dahil sa akin, nakita ninyo kung gaano kahanda tumulong ang mga bansang inyong nakaalitan at nakatampuhan. Tuta ng kano? Magpasalamat kayo sa barko at eroplano nila. Bansa ng mga sakang? Magpasalamat kayo sa medical na tulong nila. Mga Tsekwang hilaw? Magpasalamat kayo sa daang libong dolyar na inabot nila. Mga mababahong arabo? Magpasalamat kayo sa UAE at Saudi na hindi nagdalawang isip sa pagtulong.

    Marami kayong dapat ipagpasalamat lalo na kung hindi ko kayo inabot at ligtas ang inyong pamilya at kamag-anak.

    Ako ang magiging taga-suri. Ako ang magpapalitaw kung sino ang mga taong may malinis, bukas at malaki ang puso at kamay. Kayo ang humusga kung kapa-imbabawan ang donation ni Kris Aquino, Angel Locsin at NBA Community. Kayo ang humusga kung pakitang tao lang ang tulong ng Vatican, Iglesia ni Cristo, Muslim, UNICEF at Redcross. Kayo na ang humusga kung pasikat lang sina Shoichi Kondoh na bata na taga-Japan, Ginggay Pajaros at Triple-S sa Bambang, si Benjie ng batang mang-inasal sa Butuan City at si Atom Araullo na hinampas at sinampal ko sa kasagsagan ng aking pagdaan.

    Ako si Yolanda at dahil sa akin, magkakaisa kayo. Ang kulay ng balat, ang liit ng mata at ang tangos ng ilong ay hindi na ninyo mapapansin. Makikita niyo na kawawa ang inyong bansa dahil hindi pa ninyo kaya kung kayo lang mag-isa. Maaawa kayo sa sarili niyo at magsisikap kayo. Mataas ang pride ng Pinoy. Ang ilan, hindi matanggap ang mamalimos. May utang na loob ang Pinoy. Dekada o siglo mula ngayon, hindi niyo malilimot kung paano kayo tinulungan ng US, Britain, Australia, UNWFP, UNICEF, Japan, China, Taiwan, ASEAN, Belgium, Canada, Qatar, Denmark, European Union, Germany, Hungary, Indonesia, Israel, Italy, Malaysia, The Netherlands, New Zealand, Norway, Russia, Saudi Arabia, Singapore, Spain, South Korea, Sweden, Switzerland, Turkey, United Arab Emirates, United Kingdom, Redcross, World Vision, Mercy Corps, Doctors without Borders, Vatican, Ireland, Vietnam at mga NBA Player.

    Alam kong makakabangon kayo. Sa inyo nakadepende ang bilis ng inyong pagtayo. Sa inyong mga mapanuring mga mata at boses na nagkakaisa, sa konsensya ng mga politiko at businessman, sa pagtulong ng international community at higit sa lahat, sa inyong pagmamahal. Pagmamahal sa kapwa, sa paligid, sa kalayaan, sa hustisya at sa inyong Perlas ng Silanganan.

    Nagmamahal,

    Yolanda


    Source: Liham ni Yolanda | Metaporista

  2. #2
    OA ra. . . mura man ug nakig storya ug grade 1 section kamunggay.

  3. #3
    maypa adto nis Humor Section....

  4. #4
    lols nimu Yolands...may gani wala nimu apila nga ang mga taw dali ra kaayo motuo ug mga 'hoax' tsunami alert pero kung balita gani, ibalhin ky motan-aw sa paboritong teleserye... ig-abot sa bagyo kumpyansa ky tin-aw lagi ang panahon... pero kung makadawat lang mga messages about tsunami, earthquake, ug uban pa ky magkaguliyang dayon...

  5. #5
    Dear Yolanda,

    Imong Bana Naapil Og Kamatay Sa StormSurge!


    Yours Truly,
    Pilipinas :P

  6. #6
    Dear Yolanda Go F*ck Yourself!

  7. #7
    Nice one Yolanda. Tungod nemu daghan namig utang sa ubang nasod animala ka!!

  8. #8
    C.I.A. vahnhelsing's Avatar
    Join Date
    Jun 2009
    Gender
    Male
    Posts
    13,715
    Blog Entries
    31
    naunsi naman ning pangisip sa uban uy...
    buhatan man ug kaboot ang bagyo...
    maypay nikuyog mo..

  9. #9
    on the contrary, i find this eye-opening..

    let's not be too negative about this guys, this is actually just an artistic portrayal of the things that we can learn from this very unfortunate, horrible and tragic event.
    a mere realistic example of "rainbow after the rain".

    a sword who has not gone through some serious sharpening is of no value..

    this tragedy can either make or break us. choice is ours.

    had we not fallen, we would never know how to get back up.

    i'm not entirely sure why we had to go through this..
    but this unfortunate event surely did brought the Filipinos together, it surely revealed our compassion for one another regardless of race, culture and religion. and it surely opened our eyes to what matters most. Life.

  10. #10
    hmmmm... sakto bah akong nasabtan sah mga comment? Hoped I'm wrong about it though


  11.    Advertisement

Page 1 of 2 12 LastLast

Similar Threads

 
  1. Truth about MEN...matud pa ni EpoyKing....
    By Bigfoot Oracle in forum Humor
    Replies: 43
    Last Post: 08-16-2017, 10:45 PM
  2. Pictures ni Yolanda..
    By bordogoy in forum Politics & Current Events
    Replies: 14
    Last Post: 11-15-2013, 08:44 PM
  3. Why Iglesia ni Kristo is so mad ... in Catholic?
    By ScReWfAcE in forum General Discussions
    Replies: 78
    Last Post: 06-02-2008, 02:48 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top