Results 1 to 2 of 2
  1. #1
    C.I.A. judge3ni's Avatar
    Join Date
    Jun 2011
    Gender
    Female
    Posts
    2,111
    Blog Entries
    1

    Default Pilipino.Kapwa Ko.Pilipinas.Bayan Ko


    My lil sis of an org that I am a member of is one of the contingent of the 40th Ship for Southeast Asian Youth Programme- SSEAYP 2013

    For more info about the program: https://www.facebook.com/SSEAYP2013

    I saw their video earlier and it re-ignited my passion for Filipino arts.



    I created this thread not to promote their dance or their program but to encourage everyone who got some videos of Filipino theatrical shows and dances to post them here. You may include your Filipino poems.

    Dugong Dakila.Lupang Hinirang.Perlas ng Silangan

  2. #2
    C.I.A. judge3ni's Avatar
    Join Date
    Jun 2011
    Gender
    Female
    Posts
    2,111
    Blog Entries
    1
    Kabiguan ng Makata
    (created:July 2003)


    Ako’y naglakad-lakad minsan
    Meron akong nakilalang dungisan
    Ako’y nahabag sa kanya
    Pagkat siya’y walang alam sa mundo niya.

    Lumapit ako at siya’y tinanong ko
    Ano ka ba sa mundo mo?
    Tumingala siya sa akin
    Na may lungkot sa mga tingin.

    Sinagot niya ako at nagwika siya
    “Ako’y isang magaling na makata!”
    Nagulat ako sa kanyang tinuran
    At may nadamang balisa sa kaibuturan.

    Sa pagpayapa ng aking kalooban
    Siya’y ginantihan ko ng katanungan
    “Kung gayo’y bakit ka ganyan?”
    Ang tanong kung may kalakasan.

    Tinungo niya ako at nagsimula na
    “Ibig mong malaman ang kabiguan ko?”
    Sa sinabi niyang iyon
    Ang kalooban ko’y di na maparoon.

    “Noon ako’y isang taong ordinaryo
    Wala akong alam sa sining na ito
    Ngunit dumating ang isang tao
    Na siyang nagpatuklas sa akin nito.”

    “Sa aking tuwa siya ay inalayan ko
    Ng mga tulang pawang gawa ko
    Siya’y masayang-masaya sa mga ito
    Sapat na nasabi kong siya’y tiwala dito.”

    Sa sinabing iyon ng makata
    Naaaninag ko na ang tao ay mahalaga sa kanya
    Ngunit nagtaka ako na sa saya
    May lungkot ang tinig niya.

    Pinutol niya muna ang salaysay
    Sa loob niya ay humugot ng tibay
    Hindi ko mawatas kung bakit ganun siya
    Kung bakit sa mukha’y may luksa.

    Sa sandaling iyon
    Nagsimula na siyang muling tumugon
    Binuksan muli ang labi niya
    Para makapagpatuloy na.

    “Tuwang-tuwa siya noon
    Pero di ko alam na huli na pala ‘yun,
    Huling pagsasalo namin
    Ng aming matamis na pagkakaibigan!”

    Sa mga narinig ko
    Parang tinusok ang puso ko,
    Nakita kong nangingilid ang luha niya
    Sa payat na pisngi niya.

    Di ko namalayan na tumulo na pala
    Ang luha sa aking mga mata,
    Pero di pala dapat buwisan ang parteng iyon
    Dahil may mas higit pa pala doon.

    Sa nasaksihan niya sa akin
    Siya ay napatawa ng tuyot,
    Iyon ay naging palaisipan sa akin
    Bakit ganun ang tugon niya sa akin?

    Ang tanong ng isipan ko
    Ay dagli niyang sinagot,
    Bakas pa rin ang lungkot
    Na sa simula pa’y naaninag ko na.

    “Gusto mo talagang malaman
    Na ang pagiging makata ko,
    Ang sumira sa aming pagkakaibigan
    Ang pagsulat ko ng TULA!”


    Ako’y namangha at naibulalas tuloy
    “Bakit naman nagkaganun?
    Natigilan na naman siya
    At pagkatapos ay umiling pa.

    “Una noo’y naramdaman ko
    Na parang siya’y di na kaibigan ko,
    Kaya nagpaalam ako sa kanya
    Gamit ang paraang siya ang nagturo.”

    Sa oras na ‘yun
    Ang makata ay napahagulgol na
    Iyon ay may malaking epekto sa ‘kin
    Na ako man ay napaiyak na rin.

    “Ang tanga-tanga ko
    Dahil sa pagiging makata ko
    Naiwala ko tuloy ang pinakamamahal ko
    Ang aking tanging KAIBIGAN sa buong buhay ko.”

    Ang huling sinabi ng makata
    Ay parang dagundong sa aking tainga
    Ang puso ko’y walang tigil sa pagtibok
    Ang hininga ko’y di magkandaabot-abot.

    Lahat ay naging payapa rin
    Ang makata’y nagpaalam na sa akin,
    Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakbay
    Para makibaka sa hamon ng buhay.

    Ang kabiguan ng makata
    Ay unti-unti na lilimutin ko na,
    Dahil iyon ay nag-iwan ng marka
    Sa puso kong umintindi sa kanya.

    Pero ako lang ay nagtataka
    Kung bakit sa lahat ba’t ako pa
    Parang sa puso ko’y dala-dala na rin
    Ang kabiguang inihayag sa akin.

    Bago pa siya lumisan
    Siya ay may itinagubilin,
    “Pakawalan mo ang gustong kumawala
    Para makadama ka ng tunay na payapa’t ligaya.”

    - - - Updated - - -

    Kalituhan
    (April 2005)

    Sa lalim ng gabing may katahimikan,
    Ito ay may dalang kaaligagaan
    Sa isang abang may kapaitan
    Na tuwirang dala-dala sa kaibuturan.

    Masidhing kalituhan pilit niyang nilalabanan
    Dahil batid niya ang katotohanan,
    Katotohanan na nagbibigay sa kanya
    Ng matinding sakit sa kaloob-looban niya.

    Watas niya ang kanyang pangangailangan,
    Pangangailangan na mabigyan ng kalayaan,
    Kalayaan ang bawat sigaw,
    Sigaw na ang ibig sabihin ay uhaw.

    Siya’y biktima ng isang aglahi
    Nitong mundo na ang pangako ay samo’t sari,
    Siya’y biktima ng isang pag-asa
    Nitong mundong di alam ang nasa.

    Mga maling pag-asa pinaghahawakan niya
    Sapagkat akala niya, may kalayaan siya;
    Alam niya ang totoo pero pilit niyang winawaksi
    Isinalaksak niya ang bagay na lugami.

    Nais niyang bulong ng puso ay sundin
    Pero di niya kaya na siya’s usigin,
    Kalituhan ang naghari sa kamalayan
    Na parang di niya makakayanan.

    Nais niyang ipagpalit ang tama sa kamalian
    Nang lahat ay maisakatuparan,
    Pero ayaw niyang ‘yon ay maging kadahilanan
    Na siya ay tuluyan nang iwan.

    Kaya ang aba ay gapos sa kalituhan
    Sa pagpili kung alin ang makatarungan,
    At sa pagdesisyon nang may kabagalan
    Siya ngayon ang naiwang LUHAAN.

  3.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Replies: 15
    Last Post: 04-08-2011, 10:48 PM
  2. Replies: 28
    Last Post: 12-04-2010, 02:27 PM
  3. Unsa akong buhaton: magpadayun ko o limtan ko nalang siya?
    By cosmic_smyl in forum Relationships (Old)
    Replies: 34
    Last Post: 08-08-2010, 06:22 PM
  4. Nag rebelde ko kay naa ko kalagot sa ako family
    By Kishin888 in forum Family Matters
    Replies: 76
    Last Post: 08-26-2009, 04:26 PM
  5. Replies: 9
    Last Post: 05-01-2009, 09:20 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top