here's the full transcript of 2012 SONA:
Full Transcript: The 2012 State of the Nation Address (SONA) | BusinessWorld Online Edition
in short:
Sa akin pong mga Boss, Magandang hapon po.
1. Nangarap po tayo ng pagbabago; nakamit natin ang pagbabago; at ngayon, karaniwan na ito. Ang kalsadang pinondohan ninyo ay tuwid, patag, at walang bukol; ang tanging tongpats ay aspalto o semento. Karaniwan na ito.
2. Nang nagkaroon tayo ng positive credit rating action, ang sabi ng iba, tsamba. Ngayong walo na, tsamba pa rin kaya?
3. Dati tayo ang nangungutang, ngayon, tayo na ang nagpapautang. Dati, namamalimos tayo ng investments; ngayon, sila dumadagsa.
4. Nang dumating tayo, 62% porsiyento ng mga Pilipino ang naka enrol sa PhilHealth. 85% ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito. 23.31M na Pilipino ang naidagdag sa Philhealth mula nang bigyan tayo ng mandato. 5.2M na pinakamahirap na kabahayang tinukoy ng ating National Household Targeting System makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth.
5. Maipasa na sana ang Sin Tax Bill sa lalong madaling panahon. Mababawasan ang bisyo, madadagdagan ang pondo para sa kalusugan.
6. Dati, panay ang "hoy gising!" sa gobyerno, bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon ang reklamo, 'sobra namang trapik, ang dami kasing ginagawa. Paalala lang din po: naisasaayos natin ang mga kalsadang ito nang hindi nagtataas ng buwis. Bubuo tayo ng mga daanan, hindi ayon sa kickback o kursonada, pero ayon sa isang malinaw na sistema.
7. Tapos na ang panahon kung kailan choice lang ng makapangyarihan ang mahalaga.
8. Nang maupo po tayo sa puwesto, 7,239 kilometers sa ating national road network ang hindi pa naisasaayos. 1,569 kilometers na nito ang naipaayos natin sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Babes Singson. Sa 2012: 2,275 kilometers pa ang maidadagdag na natapos na rin po.
9. Sa Disyembre, aangkla na ang BRP Ramon Alcaraz - ang pangalawang Hamilton class cutter, 2 Naval Helicopters, 21 UH-1H Helicopters, 10 Attack helicopters, 4 combat utility helicopters, Kasama ang mga multi-purpose attack craft, radyo, station bullet assembly, iba-ibang klase ng riple at baril, helmet, bullet proof vest, at mobile diagnostic lab van para sa mga medics.
10. Hindi tayo papayag na balato lang ang mapupunta sa Pilipino.
11. Kayong walang konsensya,paulit-ulit isinusugal ang buhay ng kapwa Pilipino:maghanda na kayo. Tapos na maliligayang araw niyo.
12. Simula pa lang mayroon nang mga kumuwestiyon sa sinasabi nating, "Kung walang corrupt, walang mahirap. Mayroon mangilan-ngilang nagtatanong: nakakain ba ang mabuting pamamahala? Ang simpleng sagot: Siyempre. Bawat pisong nakokolekta, tiyak ang pupuntahan. Piso itong diretso sa ating kinabukasan.
13. Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin talaga. Kaya nga po hinihiling ko sa sambayanan ang pakikiisa sa isyung ito. Iisa lang po dapat ang kumpas natin. Tulungan ninyo akong iparinig sa kabilang panig ang katuwiran ng ating mga paninindigan.
14. Posible palang maging patas ang timbangan; maaaring isakdal at panagutin miski ang mayaman at makapangyarihan. Napatunayan nang posible ang imposible; ang trabaho ngayon, siguruhing magpapatuloy ang pagbabago tungo sa tunay na katarungan.
15. Heto po ang aking natutuhan sa dalawampu't limang buwan ng pagka-pinuno: Wala pong imposible. Ang Pilipinong kaytagal na yumuko tuwing nakakasalubong ang dayuhan—ang Pilipino, ngayon, taas-noo, tinitingala ng buong mundo. Talaga namang ang sarap maging Pilipino sa panahong ito.
16. Sa bawat pagkakataon na haharap ako sa isang guro, piloto, inhinyero, tsuper. magsasaka, karaniwang Pilipino; sa tuwing sasabihin nilang, “Salamat sa pagbabago,” ang tugon ko: kayo ang gumawa nito. Hindi ko SONA ito. Kayo ang gumawa nito. SONA ito ng sambayanang Pilipino.