Results 1 to 6 of 6
  1. #1

    Default ANG PUGA (mini-series)


    "PUGA" (Ang unang engkwentro)

    "PUGA"


    9:45AM... Almusal ng mga inmates...

    Brando: Bago ka dito ah...

    Tonyo: Oo, ako nga pala si Tonyo. Kakapasok ko lang kahapon. Pero wala akong balak magtagal dito.

    Delfin: Mataas ang ambisyon mo Tonyo 'a. Tatakas ka?

    Tonyo: Oo.

    Gaston: Huy, hinaan nyo nga yung boses nyo, baka makatunog yang jail guard. Nice to meet you Tonyo.

    Delfin: Parepareho pala tayo ng balak 'e.

    Tonyo: Ah nice to meet you din kosa... Balak nyo din tumakas?

    Brando: Oo, may kanyakanyang mga plano na kami. Ako balak kong umakyat sa vent, pero titingnan ko muna mamaya kung kaya ko bang lundagin pababa sa kabila ng pader.

    Delfin: Ako naman lolokohin ko yung jail guard na nagkakagulo ang mga preso. Tapos pasimple kong kukunin yung susi ng mga selda na nakasukbit sa bewang nya.

    Gaston: Ako aantayin ko lang makatulog yung mga jail guard tapos tuwing gabi uunti-untiin kong lagariin yung mga rehas gamit yung kwerdas ng gitara ko.

    Brando: Ikaw ba Tonyo, pano mo balak tumakas?

    Tonyo: Ah yung plano ko subok na. Hindi pa pumapalpak.

    Delfin: Uy mukang ayos yan ah! Share naman.

    Tonyo: Kikiskisin ko ng madiin yung mata ko. Tapos magsusulat ako ng pekeng excuse letter, gagayahin ko nalang yung pirma ng nanay ko. Nakasulat sa excuse letter na
    pauwiin nila ako dahil meron akong sore eyes.

    Gaston: Tonyo... wag ka sanang magagalit ha…pero sisikmurahan kita pagkatapos mong mag-almusal.

    To be continued...

  2. #2

    Default Re: ANG PUGA (mini-series)

    prison break nga bisaya version ni?...

  3. #3

    Default Re: ANG PUGA (mini-series)

    tagalog boss.. hehehe... napa ni sumpay.. pangitaon sa nako

  4. #4

    Default Re: ANG PUGA (mini-series)

    "PUGA" (Attempt no. 1)

    11:22PM... Plano ni Brando...

    Brando: Ok, pag akyat ng vent, dahan-dahan sa pag-gapang. Gawa sa yero yun kaya iwasan ninyong kalabugin, baka marinig ng jail guards.

    Delfin: Teka... nakita ko na yung mga vent pag nasa field tayo. Tang*na mataas yun 'a!

    Gaston: Oo nga, mataas yun. Pano tayo bababa sa kabila ng pader?

    Tonyo: Edi gumamit ng hagdanan! May hagdanan ka ba Brando? Kahit ladder lang...

    Brando: Wala! g*go ka ba? Hindi kakasya ang hagdan dun. Nasipat ko na lahat ng vent. At dun sa may West gate may bubong na pwede natin talunan pababa.

    Gaston: Sa may West gate? 'E bubungan ng guard's lodge yun! Yero din yun. Mahuhuli tayo dun!

    Brando: Hindi, akong bahala.

    Pagdating sa dulo ng vent sa West gate...

    Delfin: Kosa, sigurado ka ba dito?

    Brando: Oo, nandito na tayo, tuloy na natin 'to.

    Tonyo: Pano na tayo bababa?

    Brando: Ganito... tatalunin muna natin isa-isa pababa sa may bubungan ng guard's lodge. Pero mag-iingay yan dahil gawa sa yero yung bubong... kaya paglagpak ng paa natin sa bubong kailangan nating gumawa ng tunog ng hayop para linlangin
    yung mga mga jail guard sa loob ng guard's lodge. Kuha nyo?

    Gaston: Ok.

    Tonyo: Oo, game.

    Delfin: Sige. Pero mauna ka na Brando.

    Isa-isang tumalon ang apat na "puga" papunta sa bubungan...

    Tumalon si Brando... Kablag!

    Jail guards: Ano yun?!

    Brando: Meow... meow...

    Jail guards: Pusa lang pala.

    Tumalon si Delfin... Kablag!

    Jail guards: Ano yun?!

    Delfin: Iiikiiikikik... iiikiiikikik

    Jail guards: Paniki lang pala.

    Tumalon si Gaston... Kablag!
    Jail guards: Ano yun?!

    Gaston: isqueek... isqueek

    Jail guards: Daga lang pala.

    Tumalon si Tonyo... Kablag!

    Jail guards: Ano yun?!

    Tonyo: Oink! oink!...

    Jail guards: May tumatakas!!!


    ITUTULOY!!!!

  5. #5

    Default Re: ANG PUGA (mini-series)

    bati man kay tagalog

  6. #6

    Default Re: ANG PUGA (mini-series)

    bisaya-a TS..hehe para nindot ba..

  7.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. FS: pre owned LC wallet ang guess mini bag
    By h_star in forum Hobbies & Crafts
    Replies: 0
    Last Post: 09-19-2009, 11:18 AM
  2. XIII The Conspiracy - TV mini-series
    By flanker in forum TV's & Movies
    Replies: 0
    Last Post: 03-21-2009, 09:47 PM
  3. The Lost Room mini-series
    By herp_doctor in forum TV's & Movies
    Replies: 8
    Last Post: 01-14-2009, 04:15 AM
  4. Replies: 7
    Last Post: 12-14-2006, 09:03 AM
  5. The Triangle/ sci-fi mini series
    By rj325 in forum TV's & Movies
    Replies: 8
    Last Post: 09-23-2006, 07:28 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top