
Originally Posted by
The_Patriot
"Ang kawalan ng takot sa Diyos na lumikha ay tanda lamang ng hindi pagkilala sa Kanya..."
hindi natatakot na gumawa ng mali at patuloy na iniignore ang mga babala at katotohanan ng Salita ng Diyos.
katulad ng mga nauna na pinagpapatay pa ang mga propeta at mga kristiano,
[B]
mga taong patuloy na nabubuhay sa yaman, kasikatan at kapangyarihan na nagpapakasasa sa mga bagay ng sanlibutan!
habang ang ibang tao naghihirap at nadadamay sa kasalanan ng iba, kasama ang mga taong walang malasakit sa iba ni hindi kayang tumulong sa mga walang wala, walang bahay at walang makain.[/B]
at ang iba patuloy na sinisisi ang Diyos dahil sa nangyayari sa buhay nila na kagagawan din nila kaya ayaw nilang paniwalaan at magtiwala sa Diyos,
ang mga taong mapangawa ng masama para lang yumaman at sumikat, kasama na ang bulok na sistema sa ating batas...
kaibigan iyong unawain na bawat isa ay dumaraan sa pagsubok at problema, ito ay normal at lahat ay nangyayari na may dahilan at ugat, ang bawat mananampalataya ni hesus ay sinusubok sa kanilang pananampalataya.
kaya wag padala sa mga tukso at wag pa kontrol sa mga bagay ng sanlibutan; bagkus magtiwala sa Diyos na inuuna Siya ang Salita Niya ay maging gabay mo,
ang maging kuntento. simpleng buhay bilang isang pinoy at Kristianong na kay Kristo.