http://www.philstar.com/index.php?p=...ec=54&aid=4114
Binabalak ni boxing champion Manny “Pac*man” Pacquiao na pagtu*unan ng kaniyang aten*syon ang pag-aaral kung saan ay nais nitong ku*muha ng kursong Political Science.
Ito’y matapos na tang*gapin na ni Pacman ang pagkatalo sa kaniyang mahigpit na katunggaling si Genuine Opposition (GO) South Cotabato congressional bet at re-electionist Darlene Antonino-Custo*dio.
Sa isang television interview,
sinabi ni Pacman na maliban sa boxing ay hangad rin niyang maging degree holder. Idinagdag nito na wala siyang hangad kundi paglingkuran ang kaniyang mga kababayan pero dahil natalo siya ay maluwag niya itong tinang*gap.
“Gusto kong magka-diploma sa Political Science para hindi na nila ako maliitin na high school lang ang natapos ko,” punong–puno ng ambisyong sabi pa ng boxing champion.
Ayon kay Pacman, bagaman inaani na niya ang katanyagan, nagka*mal ng limpak-limpak na salapi at marami na rin siyang naipundar sa sports na boxing ay napag-isip-isip niya na mahalaga ta*laga ang edukasyon sa buhay ng tao.
Nang matanong na*man kung saang uniber*sidad o kolehiyo niya nais mag-enroll at magtapos ng nasabing kurso, “siguro sa UP, La Salle at Ateneo, su*bukan ko kung saan ako puwede sa entrance exam,” ayon pa sa boxing idol.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Pacman na patuloy ang kaniyang pag-eensayo para sa susunod niyang laban.