BASTA
Nitz Miralles
People's Tonight
After I Will Always Love You, sasabak na uli sa telebisyon si Angel Locsin. Si Dennis Trillo at hindi
si Robin Padilla ang makakatambal niya sa bagong fantaserye ng GMA-7 na Salamangka. Dinidiskubre pa namin ang magdidirek nito't, inililihim pa.
Last week ng January ang story conference ng fantaserye at February naman ang simula ng taping. Ipapalit daw ito sa StarStruck 3, pero hanggang end ng March pa ang reality-based artista search. So, ibig sabihin, April pa ang airing nito.
Huwag ninyong problemahin si Dennis dahil ipu-pull out ito sa Etheria para sa Salamangka mag-concentrate. Last two weeks na nito ng taping sa Etheria, pero ayaw sabihin sa amin kung basta na lang siyang mawawala o kung papalitan. Hindi siya puwedeng patayin dahil nasa Encantadia ang character niya.
Sayang, marami pa naman ang sumusubaybay at naaaliw sa story nina Raquim (Dennis) at Hagorn (Ping Medina). Ano kaya ang gagawin ni Suzette Doctolero kay Raquim para ma-justify ang kanyang pagkawala? Curious na kami.
Dahil sa bagong show na ito ni Angel, matagal pa bago sila magsama ni Richard sa telebisyon. Mabuti na lang at patuloy silang napapanood sa pelikula kaya, hindi masyadong nami-miss ng fans ang kanilang love team.




Reply With Quote
