UNANG UMAGA
( Puno ng katanungan )
Page 2
Nang akoy magising sa umaga, nadagdagan n nman ang tampo ko sa diyos, nasabi ko sa kanya “Bakit nyo ko hinayaan pang magising?”. Subalit, kailangan ko harapin ang unang araw na wala na talaag siya, Patuloy na gusting lumuha ng aking mga mata pero pilit kong pinipigilan upang hindi Makita ng aking kasama, pinipilt kong magpanggap na maayos ang lahat. At ng akoy kumuha ng Damit sa cabinet, pikit mata kong binuksan ito upang maiwasan Makita ang litrato ng nakaraan, habang akoy papunta sa aking opisina, naglalakad ako ng hindi ko namamalayan ang layo, masakit ang ulo ko, hindi dahil sa nainum ko kung hindi sa napakaraming mga katanungang pumapasok s isip ko na tila gusting sumabog ang utak ko. Bakit napakadali sa kanyang sabihin yun mga salita ng yun?, bakit minahal ko siya ng sobra? Bakit hindi niya ako maintindihan o pinakinggan man lang? bakit kailangan mangyari ito? Bakit malayo ako at wala akong magawa? Bakit sa lahat ng ginawa kong gusto niya ay nauwi lahat sa pagpapaalam?bakit sobrang sakit magmahal? Puro bakit? Bakit? Bakit? Pero wala akong maisip na kasagutan, siguro ayaw kong isipin dahil ayaw kong patuloy na masaktan. Pinipilit kong makapagtrabaho ng maayos, ngunit patuloy akong sinisundan ng mga tanong, ang hirap, sobrang hirap. Iniisip ko rin na ganito rin kaya nararamdaman niya? Iniisip kaya niya yung epekto sa akin ng nangyari? Ngunit masakit isipin na ang sagot ay “wala na ang lahat”. Nakukulitan na ako sa sarili ko, patuloy akong nagpapanggap na nandiyan pa rin siya at hinihintay niya akong bumalik, yun nasa isip ko, nagiilusyon ng mga imposible.
Pilit kong hinahanap ang mga kasagutan sa mga tanong ko na alam kong masakit kapag aking nalaman…
May kasunod pa…
Any comment or suggestion email me…theend_thisis@yahoo.com
Just want same people to listen to me, share this huh…