Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas: ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese), hah-vee-ah-naz
(American English), OMG!-hAH-va- yaH-naZz! !

(Filipino).
Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).
Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100
pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman.
Malulupit na katangian at kakayahan:
Masarap isuot.
"Shock-absorbent. " Malambot ngunit matibay.
Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
Mainam na pang-japorms.
Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at
sasakyan.
Magiging "fashionable" ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
Mahal
Mahal
Mahal
Nakakasira raw ng pedicure--sabi ni Malu Fernandez.
Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines.
Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan
de coco.
Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!
Malulupit na katangian at kakayahan:
* Maaring ipampatay sa ipis.
* Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
* Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
* Pwedeng ipamalengke.
* Mainam gamitin sa tumbang-preso.
* Mainam gawing "shield" kapag naglalaro ng espa-espadahan.
* Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng
picha.
* Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumampid sa puno.
* Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
* Kapag ginupit-gupit nang pahugis "cube," e maaari mo nang
gawingpamato sa larong Bingo (kadalasang makikita sa mga lamay ng
patay).
Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang
ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na
nakasampid sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.
