
Arlene at Zanjoe nagiging bentahe na ang comic talent
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Updated July 14, 2009 12:00 AM
Hindi lamang si Zaijian Jaranilla na gumaganap ng Santino ang umaangat sa May Bukas Pa, nagsisimula na ring magparamdam si Arlene Muhlach na sa tagal nang artista (nagsimula siya nung bata pa siya) ay parang ngayon lamang nakikita ang talento sa pagpapatawa.
Magaling din sa kanyang role ang kapatid sa hanapbuhay na si Ogie Diaz, siya ang nagsisilbing suporta, ang nagtutulak para lumabas ang talento ng gumaganap na kanyang asawa sa serye.
Malaki ang bentahe ni Arlene sa ibang nagpapatawa, ang ganda-ganda niya. Pero ang katabaan niya, ang pagkakaroon ng sobrang timbang ang nagsisilbing pasaporte niya sa komedi.
Noong Linggo ng gabi, sa programa ng TV5 na Shall We Dance, nagpamalas siya ng isa pang natatangi niyang talino sa pagsasayaw. Muli, napansin ng marami ang kanyang ganda, sumang-ayon sila nang sabihin ng isa sa mga hurado na kung papayat siya ay pwede siya sa ibang mga klase ng role. Pero siguro, ipinamamahala na ni Arlene ang mga seryosong role sa kanyang brother Aga Muhlach. Pero bakit nga hindi niya subukan?
* * *Samantala sa Kapamilya, isa pang comic ang isinilang. Tulad ni Arlene, maganda rin ang mukha ni Zanjoe Marudo, walang makitang katawa-tawa sa itsura niya, maganda ang pangangatawan niya, matikas at matipuno pa pero sa The Wedding at Banana Split ay lumalabas ang pagka-komikero niya.
Sa halip na makasira sa inaasahang chemistry nila ng maganda niyang leading lady, nakakuha pa siya ng simpatiya sa mga manonood. Ewan ko, pero nagagalit ang mga kasama kong nanonood ng serye kapag bad sa kanya si Anne Curtis. Feeling nila hindi dapat abusuhin ni Anne ang kabaitan dahil sa series ay may pinag-aralan ang character na ginagampanan ni Zanjoe, mahirap lang siya pero disente at may masaya at magandang pamilya.
Excited din ang mga viewers at mga fans ni Zanjoe to find out kung maaapi ito ngayong darating na ang character naman ni Derek Ramsay mula sa mahabang pananatili sa US. Established na na bago nagkaroon ng feelings si Anne kay Marlon (Zanjoe) ay in love na in love ito kay Warren (Derek).
Before Zanjoe, si Derek ang nagpakita ng kahusayan sa pagganap among the Kapamilya stars. Pagkatapos, si Zanjoe naman. At ngayon, pinupuri na rin ang acting ni Maricar Reyes. Ito ay matapos lamang siyang mag-guest sa May Bukas Pa at sa Your Song Presents na kung saan gumaganap siya ng role ng the other woman ni Sid Lucero.
Maswerte ang ABS-CBN, unti-unti itong nakakakita ng mga reliable actors among its roster of newbies. Sino pa kaya ang susunod kina Derek, Zanjoe at Maricar Reyes?

word class period

Patuloy pa rin sa pangunguna ang ABS-CBN. Sa inilabas na national TV ratings ng TNS Media Research para sa araw ng Tuesday, July 14 ay nakuha ng Kapamilya network ang 49 percent sa nationwide audience share. Dahil ito sa matataas na ratings na nakuha ng mga programang Kambal sa Uma, Wowowee, May Bukas Pa, at Only You na tinalo ang mga katapat nilang shows.
Nationwide Audience Share
ABS-CBN 49%
GMA 34%
TNS Media Research National TV Ratings. Monday (July 14, 2009)
Ruffa & Ai (8.2%) vs. SIS (6.5%)
Pilipinas, Game K N B? (14.4%) vs. La Lola Orig (7.8%)
Wowowee (26.3%) vs. Eat Bulaga (17.5%), Daisy Siete (15.7%)
Kambal Sa Uma (26.6%) vs. Ngayon at Kailanman (16.1%)
Bud Brothers (20.7%), Maria De Jesus (17.1%) vs. Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin (17.7%)
Mr. Bean (17.5%), Naruto (18.1%) vs. Chil Princesses (9.3%)
Love or Bread (17.4%) vs. Hole in the Wall (14%)
Boys Over Flowers (31.6%) vs All My Life (18.2%)
TV Patrol World (38%) vs. 24 Oras (23.7%)
May Bukas Pa (39.4%) vs. Zorro (26.4%)
Only You (37.1%), Tayong Dalawa (36.9%) vs. Rosalinda (24%)
The Wedding (22.6%) vs. Adik Sa ‘Yo (22%)
SNN (14.1%) vs. Cruel Love (15.7%)
-----
hahaha...basta nationwide, leading gyud ang kapamilya shows

ABS-CBN pa rin ang pinapanood ng mas nakakaraming Pilipino gabi gabi. Sa inilabas na national TV ratings ng TNS Media Research para sa araw ng Tuesday, July 15 ay malaki ang lamang ng mga Primetime Bida programs laban sa mga katapat nitong shows. Ang May Bukas Pa ang nananatiling most watched program sa bansa with 37%. Sumunod dito ang Tayong Dalawa, Only You, at Boys Over Flowers.
Boys Over Flowers (28.4%) vs All My Life (15.1%)
TV Patrol World (34.6%) vs. 24 Oras (20.6%)
May Bukas Pa (37%) vs. Zorro (22.5%)
Only You (33.5%) vs. Rosalinda (20.5%)
Tayong Dalawa (33.7%) vs. Adik Sa ‘Yo (20.9%)
The Wedding (19.9%) vs. Cruel Love (16.2%)
SNN (12.9%) vs. Wow Hayop (9%)
TNS Media Research National TV Ratings. Monday (July 15, 2009)
Ruffa & Ai (8.1%) vs. SIS (6.5%)
Pilipinas, Game K N B? (16.1%) vs. La Lola Orig (8.7%)
Wowowee (25.7%) vs. Eat Bulaga (17.1%), Daisy Siete (14.5%)
Kambal Sa Uma (24%) vs. Ngayon at Kailanman (15.1%)
Bud Brothers (19.8%), Maria De Jesus (16.4%) vs. Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin (16%)
Mr. Bean (17.9%), Naruto (16.9%) vs. Chil Princesses (8.5%)
Love or Bread (15.5%) vs. Hole in the Wall (12.1%)
----
most watched talaga....
wow! dako ayo labaw, labi na sa primetime ohh.. congrats kapamilya!!!
Similar Threads |
|