KC walang tulog sa kakalagare
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Updated May 08, 2009 12:00 AM
* * *
Si KC Concepcion ang next na maggi-guest sa May Bukas Pa at noong Tuesday siya unang nag-report sa taping sa Pampanga. Parang hindi raw puyat ang dalaga nang dumating sa taping dahil maliksing kumilos at masayang nakipag-kuwentuhan. Galing siya sa taping ng Lovers in Paris at Wednesday na (May 6) ng madaling-araw natapos ang taping.
Kahapon, Thursday, muli siyang nag-report sa taping ng MBP and this Friday, deretso naman siya sa taping ng LIP.
Naglalagare si KC at tinatapos lahat ang trabahong naka-schedule this May dahil kasama siya sa Mega 30 US Tour ng inang si Sharon Cuneta. Kundi May 18, sa May 19 na ang alis nila at sa June na ang kanilang uwi.
* * *