Page 129 of 203 FirstFirst ... 119126127128129130131132139 ... LastLast
Results 1,281 to 1,290 of 2029
  1. #1281
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279

    KC walang tulog sa kakalagare
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Updated May 08, 2009 12:00 AM



    * * *
    Si KC Concepcion ang next na maggi-guest sa May Bukas Pa at noong Tuesday siya unang nag-report sa taping sa Pampanga. Parang hindi raw puyat ang dalaga nang dumating sa taping dahil maliksing kumilos at masayang nakipag-kuwentuhan. Galing siya sa taping ng Lovers in Paris at Wednesday na (May 6) ng madaling-araw natapos ang taping.
    Kahapon, Thursday, muli siyang nag-report sa taping ng MBP and this Friday, deretso naman siya sa taping ng LIP.

    Naglalagare si KC at tinatapos lahat ang trabahong naka-schedule this May dahil kasama siya sa Mega 30 US Tour ng inang si Sharon Cuneta. Kundi May 18, sa May 19 na ang alis nila at sa June na ang kanilang uwi.
    * * *

  2. #1282
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Updated May 08, 2009 12:00 AM



    Aakalain mo na dahil kaibigan siya ni Bro ay maliligtas na si Zaijian Zaranilla o mas kilala sa popular na pangalang Santino sa pagpaparusa ng kanyang ama kapag nagkakasala siya. Hindi po, dahil katulad ng maraming normal na bata, nakakatikim ng palo ng tsinelas sa puwet ang magpi-pitong taong gulang na bata (birthday niya sa August 23) at tinatawag na ‘Miracle Boy’ ng telebisyon.
    Isang normal na bata si Santino na malikot kaya minsan ay napapalo ng ama, mahilig maglaro ng PSP at mga computer games, gusto ng Hawaiian pizza at nangangarap magkaroon ng hindi lamang isa kundi maraming kotse, at isang malaking bahay. Ang kaibahan lamang niya sa ibang bata ay isa na siyang sikat na artista sa TV pero, hindi pa niya ito alam.
    Dati siyang commercial model ng McDonalds, Lactum at Tide at lumalabas-labas na sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng Goin Bulilit at Tiny Tony nang kunin siya para maging Santino sa May Bukas Pa. Hindi na siya pinapag-audition, kinuha siya dahil sa kanyang mga mata, malalaki ito at punung-puno ng damdamin.
    Bentahe rin ni Santino sa maraming bata ang talento niya sa pag-arte. Hindi siya mahirap umiyak, nakikipagsabayan sa mga tulad nina Susan Roces at Lorna Tolentino at mabilis magkabisa ng dialogue. Wala naman siyang masabi kapag tinatanong kung anong bagay ang mabilis magpatulo ng kanyang luha bagaman at iniisip ng marami na may malaking kinalaman dito ang pangyayaring hiwalay ang kanyang mga magulang at nasa kandili siya at ang dalawa pa niyang kapatid na lalaki ng kanilang ama na hindi na nagtatrabaho ngayon dahil sinasamahan siya sa taping at iba pa niyang mga guestings. Pero kahit hiwalay ang kanyang mga magulang hindi naman niya nami-miss ang kanyang ina dahil kapag Linggo ay sinasamahan siya nito sa taping. ‘Yun nga lamang pag-uwi ng bahay, hindi na ito sumasama sa kanya, katabi niyang natutulog sa kanilang bahay ang kanyang ama at kapatid.
    May isa ring lola na kumakandili kay Zaijian, ang ina ng kanyang ama. Kasama nila ito sa bahay. Ito ang nagtatago ng kanyang kinikita. Silang apat at ilan pang kamag-anak ng kanyang ama ang kasama nilang nakatira sa kanilang bahay sa Scout Rallos na dadalawa lamang ang kuwarto kaya ang lola niya ay sa sofa na lamang natutulog dahil ang kabilang kuwarto ay okupado ng kanyang mga pinsan.
    Sa isang pubic school sa Roxas District nag-aaral si Zaijian. Grade 2 na siya pagpasok. Sa kabila ng kanyang tatlong beses isang linggo na pagti-taping ng May Bukas Pa ay nasa top 9 siya sa pinaka-magagaling sa klase. Paboritong subject niya ang English.
    Isa pang kaibahan ni Zaijian sa ibang mga ka-edad niya ay ang pangyayaring may mga edad na ang mga itinuturing niyang kaibigan na sina Dominic Ochoa, Lito Pimentel at Rayver Cruz, pawang mga kasamahan niya sa May Bukas Pa. Idolo niya si Vhong Navarro at kahit nahihiya, inamin niyang mayroon siyang crush kay Cristine Reyes.
    Wala pa ring sariling sasakyan si Zaijian, sinusundo sila ng service ng ABS-CBN para makapunta sa taping. Hindi na rin siya makapaglaro pero minsan, nakakapunta pa siya ng mall. ‘Yun nga lang, hindi siya nagtatagal, agad silang umuuwi dahil dinudumog na siya.
    Kahit lasing, nakikilala na siya at may mga lumalapit na rin sa kanya para magpagamot. Minsan may babaeng nag-alok na bibigyan siya ng gusto niya, pagalingin lamang niya ito pero, siyempre hindi niya ito magagawa, sa TV lamang siya puwedeng manggamot. Pero kahit sa tunay na buhay, malapit siya kay Bro. Nagdadasal pa rin siya Dito bago matulog sa gabi.
    Hindi namamalayan ni Santino, sikat na siya. Pinaka-sikat ang seryeng nilalabasan niya, pinaka-mataas ang rating sa istasyong kinabibilangan niya. Nung humarap siya sa press ay naka-suit siya, bigay daw sa kanya ng Bench kung saan endorser siya. o biro mo! Saan man siya magpunta, hinahabol siya ng mga tao, madalas kinu­kurot pero, hindi siya umaangal, dahil alam niyang artista siya, pero hindi niya alam kung gaano kasikat.
    Sa mga susunod na mga araw, mapapasabak siya ng arte kay Ms. Lorna Tolentino para sa isang Mother’s Day Special. Ito ay habang tumatakbo pa ang episode ni Anne Curtis. Nakapag-taping na rin si KC Concepcion.
    Soon, lahat ng sikat sa ABS-CBN ay igi-guest din sa programa niya, lahat sila ay excited na makasama hindi lamang sa isang top rating show, mas excited silang makita ang batang ngayon pa lamang ay alam mo nang magiging malaking child star tulad nina Niño Muhlach noon at ni Aiza Seguerra.
    * * *
    Mukhang napipikon man si Robi Domingo na malaman ng lahat ang damdamin niya sa kanyang kaparehang si Jessie Mendiola sa seryeng Your Song Presents Boystown na magsisimula ngayong Linggo pagkatapos ng ASAP, hindi na maitatago ang namumuo nilang relasyon ng dalaga.
    Kung sabagay, hindi na naman ito sikreto, inaamin na ito ni Robi sa kanyang mga interviews at nung matapos ang presscon ng Boystown kamakailan, nakauwi na ang lahat nilang co-stars pero naiwan pa rin silang dalawa sa venue.
    Bukod sa Boystown boys, kilala rin bilang Gigger Boys ang grupo ni Robi na kinabibilangan din nina Enchong Dee, Sam Concepcion, AJ Perez, Aaron Villaflor, Dino Imperial at Chris Gutierrez. Si direk Lino Cayetano, direktor ng Boystown, ang nagbigay ng pangalan nila. Pamilyar na sila sa mga manonood ng ASAP dahil linggu-linggo nakikita ang grupo nila na nagsasayaw.
    Hindi gumaganap na mga taga-Boystown ang lahat ng Gigger Boys, sina Enchong, Sam, AJ at Aaron lamang. Mga village boys naman sina Robi, Dino at Chris. May sari-sariling back-up story ang pitong kabataan at ito ang iikutan ng istorya ng Boystown na magtatampok din sa mga senior stars na sina Romnick Sarmienta, Cris Villanueva, Ana Roces, lahat dating taga-That’s Entertainment at tipong nagri-reunion sa serye at Ron Morales.
    May nag-comment na pabata nang pabata ang mga gumaganap ng mother roles sa TV, tulad ni Ana Roces who is only in her early 30s na kung titingnan ay puwede pang gumanap na leading lady ni Robi at hindi ang kanyang ina. Pero sinabi ni Ana na ipaliliwanag ito habang tumatakbo ang istorya para magkaroon ng linaw ang manonood kung paanong naging ina ng isang 19 na taong gulang na si Robi ay ang bata-bata pa rin namang si Ana.

  3. #1283
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279
    Lalaki sa panaginip ni Kristine nakita niya
    Updated May 08, 2009 12:00 AM



    MANILA, Philippines – Matapos ang shocking first episode ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan ka Maruja? humanda pa sa mas nakakapanindig-balahibong mga eksena sa nangungunang Saturday series sa ABS-CBN.
    Marami ang umantabay sa pagbabalik-telebisyon ni Kristine Hermosa kaya naman umarangkada ang ratings ng nasabing series.
    Sa pagpapatuloy ng kuwento, magugulat si Cristy (Kristine Hermosa ) dahil ang lalaking kanyang nasa panaginip ay makakaharap na niya, ang fiancée ni Helen (Karylle) na si Ross (Derek Ramsay). Pagkakita niya kay Ross sa hospital, nagkulong siya sa CR - nang nasa CR siya, magpapakita si Janet (Assunta de Rossi) sa kanya habang galit na galit ito at sinasakal siya.
    Ano ang malalaman ni Cristy mula kay Janet? Makaka-iwas kaya si Cristy kay Ross - ang lalaking dati’y sa panaginip niya nakikita at ngayo’y makaka-halubilo niya na?
    Alamin ngayong Sabado sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja, pagkatapos ng Cinema FPJ sa ABS-CBN.

  4. #1284
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Female
    Posts
    279
    MULA sa TNS, narito ang National Ratings ng mga programa ng ABS-CBN 2 at GMA 7 noong:

    MARTES (Mayo 5):
    Umagang Kay Ganda 7% vs. Unang Hirit 4.9%;
    Lastikman 11.5% vs. Pokemon Master Quest 6.8%;
    Reborn 12% vs. Gadget Boy 8.3%;
    Naruto 11.9% at Mr. Bean Live 9.4% vs. One Piece 10.7%;
    Ruffa & Ai 8% vs. Slamdunk 13.5% at SiS 6.8%;
    Game Ka Na Ba 14.6% vs. Lalola 8.4%;
    Wowowee 25.8% vs. Eat Bulaga 15.9% at Daisy Siete 15.1%;
    Kambal Sa Uma 24.6% vs. Paano Ba Ang Mangarap? 21.1%;
    Precious Heart Roman­ces Presents Bud Brothers 23.8% vs. Dapat Ka Bang Mahalin? 20.4%;
    La Traicion 15.4%, Kiba 12% at Mr. Bean 13.5% vs. Chil Princesses 7.6%;
    Hot Shot 14.5% vs. Nodame Cantabele 9.4%;
    Pinoy Bingo Night 16.5% vs. Hole in the Wall 18.5%;
    TV Patrol World 31.2% vs. 24 Oras 27.9%;
    May Bukas Pa 38% vs. Zorro 28.6%;
    Only You 37.5% vs. Totoy Bato 27.6%;
    Tayong Dalawa 34.9% vs. All About Eve 22%;
    SNN 16.7% vs. Fated To Love You 20.6%;
    Bandila 9.3% vs. Outrageous and Courageous 11.2%;
    The Correspondents 7.3% vs Saksi 5.9%;
    Games Uplate 1.7% vs. Reporter’s Notebook 4.9%.

    MIYERKULES (Mayo 6):
    Umagang Kay Ganda 6.1% vs. Unang Hirit 4.3%;
    Lastikman 12.4% vs. Pokemon Master Quest 7.4%;
    Reborn 12.2% vs. Gadget Boy 7.8%;
    Naruto 13% vs. One Piece 10.7%;
    Mr. Bean Live 8.7% vs. Slamdunk 14.3%;
    Ruffa and Ai 7.4% vs. Johnson’s Baby Mommy Diary 6.2% at SiS 7.4%;
    Game Ka Na Ba 14% vs. Lalola 10.1%;
    Wowowee 25.5% vs. Eat Bulaga 15.5%;
    Kambal Sa Uma 21.7% vs. Daisy Siete 15.8%;
    Precious Heart Roman­ces Presents Bud Brothers 23.8% vs.Paano Ba Ang Mangarap? 17.5%;
    La Traicion 14.7% vs. Dapat Ka Bang Mahalin? 24%;
    Kiba 10.9% at Mr. Bean 13.4% vs. Chil Princes­ses 9.1%;
    Hot Shot 14.4% vs. Nodame Cantabele 11.1%;
    Pinoy Bingo Night 16% vs. Hole in the Wall 21.4%;
    TV Patrol World 30.4% vs. 24 Oras 25.5%;
    May Bukas Pa 37.8% vs. Zorro 27%;
    Only You 35.7% vs. Totoy Bato 26.6%;
    Tayong Dalawa 33.9% vs. All About Eve 19.6%;
    SNN 16.7% vs. Fated To Love You 20.1%;
    Bandila 8.4% vs. Wow Hayop 12.5%;
    Probe 4.3% vs Saksi 6%;
    Games Uplate 1.4% vs. Born To Be Wild 3.7%.

  5. #1285
    C.I.A. Peenut's Avatar
    Join Date
    Jan 2009
    Gender
    Male
    Posts
    9,841
    Blog Entries
    8
    Mu tan-aw jud ko ug Maruja...bwahahah Kristine Hermosa is <3

  6. #1286
    wow nindota na kaau ang precsious heart romance present bud brothers season 1 stupid cupids staring Jake Cuenca and Christine Reyes

    grabe nice au kinsa to mga ganahan ug pocket books nindot au cya romantic comedy






    naa sila chemistry as love team grabe nice jud cya gi kilig ko nila

  7. #1287
    C.I.A. elvishtattoo's Avatar
    Join Date
    Aug 2007
    Gender
    Female
    Posts
    5,173
    Blog Entries
    9
    ^^ lingaw bitaw ang precious hearts.
    bagay man diay si CReyes ug si JCuenca
    mga zexy! wow!

  8. #1288
    ^i totally agree. haha. pag first kay murag magduha duha paka ug watch pero nice man di.i ui haha funny nuon

  9. #1289
    Quote Originally Posted by eXtaZeE View Post
    ^i totally agree. haha. pag first kay murag magduha duha paka ug watch pero nice man di.i ui haha funny nuon

    lingaw jud ko in fairness nilang duha ha bagay sila sa usag usa. super gi kilig ko sa ila bed scene... because of that scene na feel nako nga luv nila ang usag usa

  10. #1290
    C.I.A. elvishtattoo's Avatar
    Join Date
    Aug 2007
    Gender
    Female
    Posts
    5,173
    Blog Entries
    9
    Quote Originally Posted by ronzwhick View Post
    lingaw jud ko in fairness nilang duha ha bagay sila sa usag usa. super gi kilig ko sa ila bed scene... because of that scene na feel nako nga luv nila ang usag usa
    lagi. realistic jud. murag pwede sa true life.

  11.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. ::Mga Kaigsu-onan.....dinhi ta MAg Binisaya og lawom...
    By jugs_06 in forum General Discussions
    Replies: 191
    Last Post: 04-15-2015, 11:35 AM
  2. Replies: 165
    Last Post: 02-28-2010, 07:58 PM
  3. GMA-7 Kapuso ... Kapamilya, NO TROLLING!!
    By tazmaniadevil in forum TV's & Movies
    Replies: 1425
    Last Post: 07-09-2009, 06:47 PM
  4. Replies: 24
    Last Post: 05-26-2009, 07:40 PM
  5. Kinsay mga chinoys dri?? (chinese/pinoy) dri ta magtapok!!!
    By MrRendezvous in forum General Discussions
    Replies: 2
    Last Post: 04-19-2009, 06:45 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top