Results 1 to 8 of 8
Like Tree1Likes
  • 1 Post By luff101

Kung naging Pinoy si Noah!


This discussion is about "Kung naging Pinoy si Noah!" in the "Humor" forums.
Kung Pinoy si Noah.... Ganito ang mangyayari sa barko. Read along … …… … … … … … .. Taong 2005 at isang ordinaryong middle ...

  1. #1
    Junior Member
    Join Date
    Sep 2006
    Posts
    217

    Default Kung naging Pinoy si Noah!






    Kung Pinoy si Noah....

    Ganito ang mangyayari sa barko. Read along … …… … … … … … ..
    Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita
    sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang
    ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong
    gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares
    na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang
    kapuluan."

    Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
    Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong
    nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"

    Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

    At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
    Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.

    Tumungo siya sa
    Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang
    30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.


    Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay
    nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

    Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
    Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

    Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

    Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara
    nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng
    church at state .

    Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon
    na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

    Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".

    "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.
    Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto."

    Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang
    wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."

    --------------------------------------------------------------------------------

  2. #2
    Junior Member winwin's Avatar
    Join Date
    May 2006
    Posts
    477

    Default Re: Kung naging Pinoy si Noah!

    Haha sakto gyud na bai... IF karon na nahitabo... Wala paman sila GMA sauna... Hehe

  3. #3
    C.I.A. t3ChNo's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Gender
    Male
    Posts
    4,079
    Blog Entries
    1

    Default Re: Kung naging Pinoy si Noah!

    only in d philippines

  4. #4
    Junior Member
    Join Date
    Mar 2006
    Posts
    476

    Default Re: Kung naging Pinoy si Noah!

    ayyy very good parable...

  5. #5
    Junior Member
    Join Date
    Aug 2007
    Posts
    96

    Default Re: Kung naging Pinoy si Noah!

    hahaha... grabe !hasta c Lord surrender sa pinas!

  6. #6
    Junior Member
    Join Date
    Jul 2007
    Posts
    220

    Default Re: Kung naging Pinoy si Noah!

    ala na jud diay hope for the philippines?

  7. #7
    Senior Member Watever_watever's Avatar
    Join Date
    Jul 2016
    Gender
    Male
    Posts
    565
    Blog Entries
    1
    ataka ani TS...kuhaan pa diay jud ug business permit?

  8. #8
    C.I.A. luff101's Avatar
    Join Date
    Mar 2014
    Gender
    Male
    Posts
    5,886
    Kung pinoy si Noah, naabtan guro to sa baha. Filipino time eh. hahaha
    Watever_watever likes this.

  9.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. paano kung pinoy si noah
    By ognosaj in forum Humor
    Replies: 31
    Last Post: 06-09-2010, 10:20 AM
  2. Replies: 41
    Last Post: 12-22-2009, 03:17 PM
  3. kung ako si pacquiao
    By opawko05 in forum Humor
    Replies: 1
    Last Post: 09-12-2009, 12:46 AM
  4. Kung ikaw si Katrina or Maricris unsa kaha noh??
    By drknyt in forum General Discussions
    Replies: 12
    Last Post: 06-01-2009, 05:40 PM
  5. Kung ako si Casper?
    By gud_boy in forum General Discussions
    Replies: 48
    Last Post: 08-16-2008, 03:59 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top