View RSS Feed

Talk Hang

Sun Dae

Rate this Entry
by , 09-09-2017 at 04:20 AM (288 Views)
Sun Dae (Ang Ice Cream na Tula)


dahil sa pagkakataon
di ko alam kung ba't gan'to
minsan lang nagkakilala
nguni't parang nadudurog ako


pagkat alam ko'ng lilisan na
at di ka na babalik
tela ang puso ko'y
biglaan na napatiwarik


malungkot mang isipin
di ko rin naman maipaliwanag
kung may panahon pa sana
gustong-gusto pa kitang makausap


siguro nga'y nakalaan lamang
itong ating pagtatagpo
ngunit hindi natin kelan man
makakamit ang ninanais ng puso


hanggang sa muling sulyap
kung papayagan ng mga langit
simula sa huling yakap
sana ay pwede pa tayong maulit


at sa mga ngiti mo'y makikiusap
naway parati mo yang isusuot
sapagka't sa'yong pagtalikod
lubos ko 'tong ikalulungkot
Categories
Uncategorized

Comments

Trackbacks

Total Trackbacks 0
Trackback URL:
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top